Chapter 33

3.7K 221 79
                                    

Athena

Tahimik lamang akong naka upo sa isang sulok ng coffee shop habang nakamasid sa mga tao na nag sisitakbubahan habang ang iba naman ay nag sisilungan sa gilid ng mga establishamento para di lang mabasa dala ng malakas na buhos ng ulan.

Halos mag iisang oras na din akong naka upo dito habang nag re-replay sa utak ko ang sinabi ng abogado ni Mommy Sandra kahapon.

"Mapupunta sa social welfare ang custody ng bata."

Napapilantik tuloy ako ng dila wala sa oras.

That's bullshit!!! Bakit ko ibibigay ang anak ko sa mga taong yun? Di ako makakapayag...... malay ko ba kung sa masamang tao mapupunta ang anak ko. I can't take it!!!

Nanumbalik lng ako sa kasalukuyan ng may naramdaman akong may umupo sa harapan ko, di ko na ito nilingon pa dahil iisang tao lang naman ang inaasahan kong darating at mag papakita.

Inilapag nito ang isang tasa ng kape sa harapan ko para mapatingin ako ng panandalian sa baso na inilapag niya sa harapan ko bago binalik  muli sa labas ang tingin.

"Inumin mo na yan, di na yan masarap kapag malamig na." Dinig ko ang pag urong ng tasa papalapit sa akin.

Mula sa pag titig sa labas ay malamig na binaling ko ang paningin ko rito. Ngunit parang wala lang ito sakanya dahil nagawa pa akong ngitian habang pinapainit din niya sa palad niya ang kapeng hawak nito.

Medyo malamig na din kasi, dagdagan mo pa ang lamig na nanggagaling sa Coffee shop at ang klima ngayon dala ng malakas na buhos ng ulan sa labas.

Walang sagot siyang nakuha sa akin dahil nanatili parin akong nakatitig sakanya, mukhang napahiya ito dahil bahagya na lang siyang yumuko at pinag patuloy ang pag inom nito.

Diko tuloy mapigilan mapakunot ng noo sa pinapakitang ugali ni Rachel sa akin. Mula ng nag krus muli ang landas namin ay masasabi kong napapansin ko ang laki ng pag babago nito.

Oh bakang pakitang tao lang......

Wag kang mag pa-padala..... Pakitang tao lang yan Athena..... Knowing her, she's good in manipulating people.

Huminga na lang ako ng malalim at tinukod ang siko ko sa lamesa at pinag saklop ko ang dalawa kong palad habang isinandal ang baba ko roon.

"Hindi ako nakipag kita sayo para maki pag kwentuhan lang. Rachel." Paninimula ko.

Napatigil ito sa pag inom at inangat ang tingin para salubungin ang mag titig ko.

Ibinaba nito dahan-dahan ang tasang hawak niya at sumandal sa kanyang kina uupuan.

"Kung ganon para saan ang pag uusap nating ito?"

"Mula nang bumalik ka sa buhay namin ng anak ko ay hindi na ako nakaka tulog ng maayos Rachel."

That's true, I look a shit right now... Ni hindi ko alam kung anong oras na naman ako nakatulog kagabi at nagising kanina sa kakaisip sa magiging kapalaran ng anak ko.

"Let's talk about Madison's custody,"

Napataas naman ang kilay nito sa sinabi ko bago tumawa ng mapakla.

"So gusto mong pag usapan natin ang bata? Athena..... Di mag babago ang isip ko. Itutuloy ko ang kaso."

"Mapapahamak ang anak mo, alam kong, alam mo, na hindi din sayo mapupunta ang custody niya, because of your----" napatigil ako sa pag sasalita ng bigla itong tumawa na parang aliw na aliw sa naririnig niya.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now