Chapter 15

3.5K 219 28
                                    

Walang ibang maririnig sa apat na sulok ng salang ito kundi ang musika tinutugtog ko. Mariin ko lamang dinadama ang bawat kumpas ng daliri ko, kahit naka pikit ako ay naramdman kong may taong nakikinig sa likuran ko kaya mas lalo akong ginanahang mag patugtog.

"I'm so happy you still remember that song anak."

"Of course, you made this for me Dad." Nakangiting sagot ko ngunit patuloy parin sa pagtugtog.

"If only your Mother can hear tha--"

Biglang tumigil si Papa sa pag sasalita ng bigla kong hinampas ang keyboard ng piano.

"Rachel," puno ng pangamba sa tinig nito.

"I don't want to hear her name." Mariing utos ko dito.

Napabuntong hininga na lamang ito at umupo sa tabi ko at siya na ang nag tuloy sa musikang kinompos niya para sa akin.

"May problema ka ba anak?"

"Wala." Sagot ko at naki sabay na din sa pag tugtog sakanya.

"I think meron, come on young lady. I know you, kapag tinutugtog mo ang musikang ito ay alam kong malungkot ka o may problema ka."

Kilala talaga ako ng Ama ko, ginawa niya talaga ang kantang ito para sa akin,

I played this song every time my Mother hurt me, naalala ko pa nga sabi ni Papa sa akin na kapag sinasaktan ako ni Mama itugtog ko lang ang musikang gawa niya para gumaan ang pakiramdam ko.

"Kaya nga kita sinabayan para sumaya ka,"

"But I don't want you to be my ka duet."

Bigla itong tumawa ng malakas at inilagay ang kamay niya sa braso ko to comfort me.

"At sinong gusto mo? Si Ayen?"

Nalungkot naman ako bigla ng banggitin niya si Athena.

"She didn't remember me Dad. She already forgotten me."

"I don't think so Rachel." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko. "She heard you earlier played that song, and she stop her tracks when she heard it. Sinilip ka pa nga niya eh, kahit wala siya sinabi alam kong alam niya ang musikang tinugtog mo."

Bigla naman akong nabuhayan sa narinig ko ngunit agad naman nawala ng napag tanto kong--

"Ang musika lang naalala niya, pero ako hindi na."

"Bakit di ka mag pakilala sakanya anak, sigurado akong makikilala ka niya."

"Hinde, hinde-hinde... Ayaw ko, iiwan na naman niya ako gaya ng ginawa niya noon."

Di na ako sumagot at mas piniling ituloy na lang ang pag tugtog ko kasama si Dad.

Pumasok na ako ng kwarto namin ni Ayen at naabutan ko na itong natutulog sa kama. Lumapit ako rito at humiga sa tabi nito, gumalaw pa ito ng kaunti kaya mas lalo ko itong niyakap papalapit sa akin.

I love you so much Athena, from the start I've met you, those memories of us is the best ever happened in my life.

Kaya ngayon pa lang diko hahayaan mawala ka pa sa akin, walang sino ang mag papahiwalay sa atin Ayen, wala!

I will never let you go Athena, never.... Never ever again.

Flashback

Year 1994

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now