Pag labas ko ng banyo ay nanatili parin tulog si Rachel kaya mas mina-buti kong lumabas at mag libot-libot sa labas.Sa loob ng isang buwan ko dito ay masasabi kong malaya akong mag lakad-lakad sa buong lawak ng bahay o masasabi kong mansion kamo sa ilang araw na malaya akong gumala sa loob ng bakuran ng mga Lazaro ngunit kahit ni katiting wala akong makitang paraan para makatakas man lang.
Bukod sa pinapalibutan ng mga bodyguards ang bawat sulok ng bahay na ito. Ay may mga CCTV din nakakabit sa bawat sulok ng bahay.
Kaya napaka imposible talaga akong makatakas dito, siguro kaylangan ko munang malaman kung nasaan lumapalop ako at maka isip narin ng paraan at pag planuhan ng mabuti ang pag takas ko dito.
Isa din sa nag papagulo sa utak ko ngayon ay ang pag tawag ni Ayesha kay Rachel. Bakit may communication silang dalawa? May tinatago ba ang kapatid ko sa akin ng hindi ko alam? Kung alam niya kung nasaan ako bakit di niya ako isuplong kina Mama Sandra at Althea.
"Iha, gising kana pala. Halika at maka pag almusal kana dn." Pag aaya ng matanda.
Diko napansin na andito pala siya sa may garden habang nasa likuran niya ang dalawang bodyguards.
"Come on iha, sabayan mo na ako. Total may pag uusapan din naman tayo."
Huminga na lang ako ng malalim bago napag pasyahang lumapit rito at umupo sa harapan niya.
"Kain, kain anak." Masiglang pag aya nito.
Isa pa ang matandang to, diko alam bakit kinukunsinti niya ang kahibangan ng anak niya.
"Anong gusto mong pag usapan natin?" Walang emosyong tanong ko rito.
Ngumiti lang ang matanda at nilinis ng table napkin ang bibig niya. May anong hiningi ito sa bodyguard niya na nasa likuran niya na inabutan naman agad ng isang puting folder.
Bigla nitong hinagis sa harapan ko na ikinakunot ng noo ko.
"Open it... And read it."
Naguguluhan man ay kinuha ko ito at binuklat isa-isa. Unang bumungad sa akin ang larawan ng kumbento na kelan lang binili namin sa may Bulacan.
"Ano to?" Kunot noo kong tanong.
Instead on answering me he just smirk at me at pinaksaklop ang dalawa niyang kamay at pinatong ang baba doon.
"Let me tell you a little story Athena."
"I'm not interested--"
"Well you should be!" Biglang tumaas ang boses nito na iknagulat ko. "Dahil doon nag simula ang lahat. Na dapat ko lang ipaalala sayo." Puno ng panunumbat at galit.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Open it, one by one. Nanjan lahat ng sagot sa mga tanong mo." Tinuro niya ang folder na hawak ko kaya muli ko itong binuksan.
"Remember that placed iha?"
Tukoy nito sa larawan ng lumang bahay ampunan na nakita ko.
"Yes, dahil binili to ng anak mo--"
"Bukod doon." Maagap na putol nito.
Taimtim lamang ako nakatingin rito at ganon din siya. Diko siya sinagot at una ng binawi ang tingin ko at muling tinuon ko na lang ang atensyon ko sa folder na hawak ko.
Because honestly...... It's a yes, Maraming alaala sa akin ang lugar na ito. Nung dinala nga ako ni Rachel dito noon for deed of sale nila ni Mr. Lazaro ay lubos kong ikinagulat. Ngunit diko lang pinahalata.
YOU ARE READING
Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)
Mystery / ThrillerAthena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but have a soft heart when it comes to the other people specially with her friends. All came smoothly until she met Rachel, which she caught bull...