Chapter 5
Umupo ako sa waiting area ng Airport. Tinext ko muna si ate, sigurado namang nakababa na iyon dahil kanina pa iyon nagpapasundo. Matigas lang talaga ang ulo ko kaya hindi agad ako nakapunta dito. Kung hindi pa ako pinuntahan ni mama sa kwarto ko 'di talaga ako kikilos.
"Hoy! Bruha! Bakit ang tagal mo!" Nakanguso agad siya ng malingunan ko.
"Tinatamad ako eh." Natawa ako ng sumama ang mukha niya. Tapos umupo sa tabi ko na hinahaplos ang nakaumbok na niyang tiyan. Malapit na siyang manganak.
"Anyway, kamusta ka na ate? Anong sabi ng tae mong boypren, kuno?" Hinahaplos ko na rin ang tiyan niya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakangiti siya--mapait na ngiti habang hinahaplos ang tiyan niya.
"GAGO! siya Tara! Alam mo 'yong pakiramdam na ang saya mo dahil sasabihin mo sa kaniya na magkaka anak na kayo. Pero biglang waley. Ang sakit---ang sakit kasi hindi niya tanggap na magkakaanak siya sa akin at ang sakit kasi hindi niya ako pananagutan." Bagaman nakangiti siya pero bakas doon ang sakit, pait, pangungulila at galit.
"... Ate, kalimotan mo na lang siya. Wala siyang kwenta kaya kalimotan mo na." Naging speechless ata ako.
"Pero mahal ko siya, Tara... gusto kong may ama ang magiging anak ko--namin." Humagulgol na si ate. Naluluha na ako pakiramdam ko maiiyak na rin ako pero pinatatag ko ang loob ko dahil kailangan niya ng masasandalan ngayon. Hindi ito ang panahon para maging mahina ako, kailangan ako ng kapatid ko.
"Ate, Tahan na." Hinagod ko ang likod niya. Dahil nakasandal na siya sa akin ngayon. Punagtitinginan kami ng mga tao pero tinatanguan lang kami.
Himala! Hindi ata naging judgemental at usisira ang mga tao ngayon?! Himala!
Umiling ako ng umiling sa nasabi ko sa isip ko.
"Tara... magiging kawawa ang anak ko dahil wala sa tabi ang papa niya..." Napabuntong hininga at napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni ate.
"Tazet?..." Gulat siyang umayos ng upo at yumuko. Dahil alam ni ate na seryoso na talaga ako. Seryoso naman ako ahh.
"People cry not because love ends, they cry 'cause love still continues even if it's over. Alam kong ganiyan ang nararamdaman mo ngayon. Pero kailangan mo rin siyang kalimotan at pakawalan sa puso mo." Hinawakan ko siya sa kamay. Nakatungo lang siya habang namamaga ang ibaba ng mga mata.
"I know, ate na.. Moving on is useless if you really love that person, just let your heart feel the pain until you realize it's over. Pero, hanggang kailan mo kikimkimin ang sakit sa puso mo? Pa'no kong ayaw mo pa lang mag move on?"
"Tara, hindi kita maintindihan." Nakanguso na naman siya.
"Ganito kasi 'yan. Hahayaan mo ang puso mo na maramdaman ang sakit hanggang sa maka move on ka. Useless nga ang pagmomove on kung mahal mo talaga siya, kaya free ka na maramdaman ang sakit diyan sa puso mo hanggang sa mawala 'yang sakit." Nakatitig ako sa mga mata niya parehong pareho sa akin.
"Pa'no kung ayaw ko siyang kalimutan? Pa'no kung ayaw kong mag move on?" Humiingos niyang parang tanga na tanong.
Tanga ka ate!!
"Alm mo ate, TANGA KA! Alam mo 'yon? Tanga ka." Naiinis na ako sa kaniya. Hindi makakabuti sa pagbubuntis niya ang stress dahil lang sa lalaking 'yon. Ay katangahan. Puta!
"OO ALAM KO, TARA. TANGA AKO! OO TANGA AKO! ANONG MAGAGAWA KO, MAHAL KO SIYA, EH." Tumulo na naman ang mga luha niya. Pinahid ko iyon gamit ang hintuturo ko.
"Kung hindi ka na mahal no'ng tao, let him go. Hindi ka aso para habul-habulin siya. Mgmumukha ka lang tanga. Ayy! oo nga pala tanga ka na." Naramdaman ata niya ang inis at galit ko dahil sa pagkakadiin ko sa bawat katagang binibitawan ko.
BINABASA MO ANG
The CEO's Lust[COMPLETED!]
RomantikXander Ferocious Miller Taranzet Nicelle Verbena She is the teacher who has a beautiful reputation in the school she was working in. And the school needs a popular sponsorship for the very big event and suddenly Taranzet Nicelle Verbena was the one...