Chapter 7
Tulala pa rin si Taranzet hanggang sa makarating sa bahay nila. Hinatid siya ni Xander pagkatapos nitong mamili ng isusot niya.
"Hey? Are you okay? Nakatulala ka diyan..." Nagising ang diwa niya ng bigla itong magsalita sa tabi niya. Huminto na pala ang sasakyan nito.
"Ahh! s-sorry may iniisip lang.." Bigla naman itong nag-tiim bagang kaya nangunot ang nuo ni Tara. "Bakit?"
"Ang nangyari ba sa atin ang iniisip mo? Tell me?" Tiim bagang itong nag-iwas ng tingin na animong nasasaktan. "Should I say sorry? Please magsalita ka..." Tiim na tiim na ang bagang nito at humihigpit abg hawak sa manibela. Nakikita ni Tara sa mga mata ng binata na nasasaktan ito.
Bakit ba siya nasasaktan? O sadyang nag iilusyon lang ako. Nang bumaling ito sa kaniya ay nawalan ng emosyon ang mukha nito.
"A-Ano kasi.. A-Ahmm... 'di pa rin mawala sa isip ko eh.." Hindi ako makatingin sa yamot niyang mukha na bakas doon ang sakit.
"Malamang... paano mo makakalimutan eh sa tanang buhay mo hindi mo talaga makakalimutan 'yon. Dahil kahit itanggi mo nakatatak na iyon." Nag-iwas na naman ito ng tingin tapos hinampas ang manibela. Napaigtad si Tara bagaman napayuko din, dahil kasalanan niya isip kasi siya ng isip ng bagay na iyon. "Should I say sorry? just tell me... baka 'yon ang kailangan mo para mapanatag iyang kalooban mo." Walang buhay na sabi sa kaniya ni Xander.
But I don't want to say sorry, pareho naming ginusto yun. Ramdam ko na pareho namin na ginusto.
Umiling-iling siya, "No, don't say sorry... dahil pag mag sosorry ka...." Matiim niyang tinitigan sa mata si Xander ng bumaling ito sa kaniya, "Kakalimutan na kita..." Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ito sa labi at bahagyang kinagat, pagkatapos ay mabilis na umibis sa sasakyan nito. Nang balingan niya ito ay kumaway lang siya at ngumiti ng matamis.
Ewan pero nawala ang pag-aalala niya sa nangyari, ngingiti ngiting pumasok siya sa bahay nila. Buti na lang at walang pakalat kalat na mga chismosa tulad ng mama niya at ate niya.
Nang makarating sa kuwarto niya ay dali dali niyang tinawagan ang pinsan niyang si Neyl. Oo si Neyl.
"Hello... Tara?" Sagot nito sa tawag niya. Pareho kasi sila ni Neyl--teacher.
"Ahm, ahh Neyl? Sorry hindi ako nakapunta kahapon naging busy lang..hehe." Pagsisinungaling niya rito, narinig naman niyang bumuntong hininga ito.
"Duhh! okay lang 'yon tapos na rin maman na. At saka huwag kang mag-alala excuse ka, pasalamat ka magaling akong gumawa ng storya! hmp!" Natawa na lang ako sa tinuran ng pinsan kong 'to.
"Wait, may tanong ako..." This is it! tatanungin ko siya kung naalala niya pa 'yong sa bar.
"Oh? Ano naman?"
"Nung sa bar-"
"Ayy! naku! huwag mo nang ipa-alala ang kahihiyang iyon. Natakot talaga ako nun, Tara!" Parang maiiyak na ito.
"Oh, eh naalala mo ba ang boyet na hinalikan mo?" Tanong ko naman, tumikhim siya bago sumagot.
"Yeah, but he's not my type! lagot talaga ako pag nalaman ng boyfriend ko ang nangyaring 'yon-"
"May boyfriend ka na?!" Paaigaw kong tanong, aba'y malihim din ang punyemas! 'di man lang nagsabi.
"Ahehehe! oo- ay! teka! ito nga o tumatawag! by muna! baboosh!"
Tch! Ibang klase ang babaeng 'yon! Hayyy! naku! absent na naman ako! kapagod kasi eh!
Biglang nag beep ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon.
Unknown number naman ang nakalagay...
Sino kaya 'to?
09123456790
-Hey! it's me Xander. How are you?"
Tch! ang lalaking 'yon talaga. Grrr! pano naman niya nakuha cp number ko?
To: 09123456790
-I'm okay... ikaw ba?
Hayyy! naku! kung ibang babae siguro ako eh nagtatalon na ako sa tuwa ngayon pero hindi dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, kinikilig ako? Ayy! ewan!
Naghintay pa ako ng reply pero wala naman kaya waley!... hayy! makatulog na nga!
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng panay ang tunog ng cellphone ko. May tumatawag, shit! gabi na pala!
"Oh? Sino ka bang puta ka at distorbo ka sa kaligayahan ko! Ang sarap sarap na sana eh!" Malakas kong sigaw sa cellphone, ang sarap na kasi ng tulog ko tapos mang-iistorbo.
"Fuck?!" Nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto kong kanino ang boses na iyon. "What are you doing right now? At talagang istorbo pa ako..." Siguradong nakatiim bagang na naman 'to ngayon.
"Ahhh... eh... nakatulog kasi ako.. hehehe.." Shit! naman ba't ba kasi 'di ko tinignan itong caller. Tanga ko rin?!
"Oh? Bakit galit na galit ka ata? Tapos kaligayahan? Sarap na sarap?" Wait... nagseselos ba siya? Parang ganun kasi ang dating eh.
"Ahemmm! Ang totoo niyan, nakatulog ako miste tapos tawag ka ng tawag kaya nagising ako. Eh, kasalanan ko bang kaligayahan ko ang matulog? At kasalanan ko bang masarap matulog?... Tch! ang manyak naman niyang isip mo!" Pero sa totoo lang ngiting ngiti ako ngayon.
Bumuntong hininga siya tapos ma owtoridad na nagsalita, "Bumaba ka.." 'Yon lang at pinatay na niya ang tawag.
Sinuot ko ang tsinelas na nasa paanan ko at bumaba. May naaninag akong sasakyan sa labas ng gate... alangan namang sa loob? Tanga?
Pinagkrus ko ang mga braso ko wala akong paki kung nagmumukha akong ginahasa dahil sa buhok ko. Tapos nagugusot pa itong pajama ko.
"Oh? dis oras na ng gabi.. anong kailangan mo?" Tanong ko ng makalapit ako, nakasandal siya sa hamba ng kotse at nilaro-laro ang remote control ng kotse niya.
"I wamt to see you.... pero ang taray mo..." At talaga ba? tinarayan din niya ako?
"Oh eh ngayong nakita mo na ako... oh hala alis na!"
"Anakng!.. ipagluto mo 'ko..." Namumula ang tenga niya ng sabihin iyon, nagtaas baba din ang adam's apphle niya.
Shy?
"I'm not your maid..." Irap ko.
"But you're my love.."
Shit! totoo ba?! My love?!
"Ahemm! 'wag ka nang ma shock diyan ipagluto mo na ako..." Tapos iginiya niya ako sa kotse niya, parang tuod lang akong sinunud siya. Shit! puso huminahon ka! pahamak ka eh!
"Hey?! Pwede ba!" Untag niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"He?! Huwag kang ano diyan! ikaw na nga itong nambubulabog ikaw pa 'tong naninigaw! Dapat ako lang ang pwedeng manigaw sa 'yo!" Pasigaw ko iyong sinabi..
"Okay, babe. Sorry!..." Tumitiklop niyang sabi na nakangiti pa.
Shit! shetee na shetee talaga!
"Tigilan mo nga 'yang kaka babe mo! Buwesit!" Ayaw kong tinatawag akong ganun, eh wala naman kaming relasyon.
Yeah, wala nga... no label pa! hanep!
Masakit? oo masakit 'yan ang nararamdaman ko ngayon. Masakit talaga eh lalo na iyong ang sweet niyo tapos wala naman kayong relasyon oh maski label. Angsaklap! bay!
Humalukipkip ako dahil siguradong malayo pa ang condo ng kumag na ito. Ako ba naman ang utusang mag luto , tch!
To be continued.....
A/N: Sorry guys! Lame! Wala pa kasing laman ang tiyan ko eh habang nagsusulat. Huhuhu! Don't cha worry may kasunod pa!
Please, don't forget to follow, vote, comment and share. Thank you! Love y'all!
© sevenfourdays
-Love Lots ♥
BINABASA MO ANG
The CEO's Lust[COMPLETED!]
RomanceXander Ferocious Miller Taranzet Nicelle Verbena She is the teacher who has a beautiful reputation in the school she was working in. And the school needs a popular sponsorship for the very big event and suddenly Taranzet Nicelle Verbena was the one...