Kabanata 02

193 7 3
                                        

Kabanata 02

Impress

My grieving heart was interrupted by a call from my father's phone—it was Kheeno on the other line.

My father's expression turned firm as he answered the call and spoke to the man whom I love.

Sadness lingered while I was waiting for the call to end, heart’s racing, but for a fleeting moment only. When the call ended, my father's face lit up with news that warmed my heart.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Daddy. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang sa ulap dahil sa saya! Kheeno will marry me next week! Iyon ang sinabi ni Daddy sa akin dahil iyon daw ang sinabi ni Kheeno kaya ito tumawag.

I don’t know what my father said to Kheeno para mapapayag itong magpakasal sa akin, pero hindi na iyon ang dapat kong isipin. Ang importante ay magpapakasal na kami ni Kheeno.

Kinabukasan ay excited akong bumangon kahit na kulang ako sa tulog. Agad akong tumulong sa mga kasambahay para maghanda ng almusal. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko, kaya lahat ng mga katulong ay nangingiti rin habang nakatingin sa akin. I giggled more when they teased me.

“In love na in love si Ma’am, ah!” nakangiting tudyo ni Ate Joshelle sa akin. Pinigilan kong mas lumapad ang ngiti ko, pero hindi ako nagtagumpay, kaya humalakhak si Ate Joshelle sa akin. “Huwag kang mag-alala, Ma’am… I feel you,” sabay hagikhik ni Ate Joshelle.

I bit my lower lip at pinagpatuloy ang ginagawa. Pupunta ako ngayon sa planta para bisitahin si Kheeno. I’ll surprise him and bring him food. Syempre, as his soon-to-be wife, I will always do my best to make him happy!

Nagsuot ako ng tight washed jeans, brown boots, and checkered jacket, na ipina-ibabaw ko sa puting tee-shirt ko. At nagsuot rin ako ng malaking sumbrero upang hindi ako mainitan. Tirik na kasi ang araw ngayon sa pinyahan, kaya kailangan ko ang mga ito.

Nagpahatid ako sa driver hanggang sa may gate ng taniman ng pinya. Hindi kasi pweding ipasok ang sasakyan doon dahil mga sasakyang pang-harvest lang ang nandoon. Kung doon sa planta ang punta ko ay pwede pa, pero sigurado naman akong nasa taniman ng pinya ngayon si Kheeno dahil mag-a-assist ito sa mga bagong trabahante ng taniman.

Napapikit pa ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Sinanay ko muna ang mata ko sa liwanag ng araw bago dahan-dahang naglakad papasok.

Malayo pa lang ay nakita ko na si Kheeno na kausap ang ilang mga tauhan. Marahang tumatango ang mga kausap nito sa kung ano man ang sinabi ni Kheeno sa kanila.

Kheeno Jakobe Urzua is a 32-year-old licensed agriculturist and businessman. Sa edad nito ngayon ay marami na itong achievements sa buhay. Grumaduate ito sa isang sikat na university sa Manila, pero dito ginustong magtrabaho sa Bukidnon, which is, naging trabahante ni Daddy. He is my father’s golden boy in Plantacìon De Piña dahil sa galing nito sa agrikultura. He applied his knowledge in agriculture through working in our plantation, and applied his business skills to their business.

I’ve known Kheeno since we were kids. He is nine years older than me. Hindi kami ganoon ka-close ni Kheeno, dahil bukod sa mas matanda nga ito sa akin, mas naging hindi kami close nang mag-aral ito sa Manila mula secondary hanggang sa maka-graduate ito ng kolehiyo.

I studied in Cagayan de Oro City for secondary and college. Magte-take pa lang ako ng board exam para sa lisensya ko sa agriculture at karagdagang pag-aaral ng business management para sa negosyo namin.

I am the heiress of Escorial’s Plantacìon De Piña in Bukidnon, the largest pineapple plantation in the Philippines that exports products inside and outside the country. Ang nag-iisang anak ng isang sikat na modelo na si Kianna McQueen Trinidad at isang sikat na businessman slash haciendero na ama ko. Kahden Dawson Escorial IV is known for his ability in business, lalong-lalo na sa Plantacìon De Piña, na lalong lumago at patuloy na lumalago mula sa mga nagdaang taon. Ang plantasyon na ito ay minana pa ni Daddy mula sa great-grandfather ko, na pinagpatuloy at pinangangalagaan ng mabuti ng pamilya namin.

INTERNAL CRIES-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon