Kabanata 8

367 8 0
                                    

Kabanata 8

Mabilis akong tumayo upang magpaalam na.

“Kanina pa kita hinahanap, Jhax. Narito ka lang pala,” ngumiti iyong babae. Nagtama ang aming mga mata kasabay ng kaniyang pagkagulat nang makita ako. Morena siya at mahaba ang kulay kayumangging mga buhok. Nakasuot siya ng bestida na kulay berde, kitang-kita ang magandang hugis ng kaniyang katawan.

“M-Magpapaalam na ako. Sa susunod nalang, Jhax.” Ngumiti ako at dali-daling umalis. Nakita ko sa isang gilid ang kalesang naghihintay sa akin. 

Gusto ko sanang kami ni Sapphire ang magkasama papunta sa talon, ngunit may skwela pala sila. Gusto ko rin sana mag-aral, ngunit napag-alaman kong mga tao pala ang kanilang paksa, kaya hindi ko na kinakailangan pa na mag-aral.

Pinaandar ng kutsero ang kalesa hanggang sa kami ay makarating sa palasyo. Napatingin ako sa napakalaking orasan sa palasyo. Alas-dose na pala. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking sikmura, hudyat na humihingi na ito ng pagkain. 

Dumiretso ako sa hapag-kainan at naupo malapit kay Carolina. Nagsimula na kaming kumain. Nagkakasiyahan silang lahat at napapansin ko ang pagsulyap sa akin ni Carolina ng ilang beses. Nakikipagkwentuhan siya sa kaniyang mga bisita galing sa ibang dimensyon. 

“Sariah, nag-usap na ba kayo ni Tres?” bahagya akong napatigil ngunit nagpatuloy rin.

Tumango ako bilang pagsisinungaling. 

“Oo,” maikli kong tugon at nagpatuloy sa pagkain. 

“Kung ganoon, bakit hindi ko kayo nakikita na nag-uusap?” nakataas ang kaniyang kilay.

“S-Sa labas kami nag-uusap.” Pagsisinungaling ko, tumango si Carolina. Kapag sinabi kong hindi kami nag-uusap ni Tres, paniguradong magtatakha sila. At baka maghinala pa sila. 

Mayamaya pa, napatigil kami nang bumukas ang pintuan ng hapag-kainan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Tres. Nagtama ang aming mga mata. Nakasuot siya ng tunic na mahaba na abot hanggang tuhod, may nakasabit na sinturon sa kaniyang baywang at isang pantalon na mukhang nakatupi hanggang tuhod, ito ay kulay puti at isang bota na kulay mayumanggi. 

Lumapit siya kay Carolina upang magmano. Bakante ang upuan na nasa aking harapan kaya doon siya naupo. 

“Magandang araw po, Tiya, at sa inyong lahat,” bati ni Tres at tinanguan siya ng iba. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko siya pabalik.

Nanlaki ang aking mga mata ng lumapit siya sa akin at nagbeso, narinig ko pa ang tilian ng iba, kahit ang pagngiti ni Carolina ay nakita ko.

Nagsimula siyang kumain. Bawat pagtama ng aming paningin, parang may ibig sabihin. 

Tumayo ako hudyat na ako’y tapos na sa pagkain. Napatingin sa akin si Carolina at tinaasan  ako ng kilay. 

“Aalis ka na kaagad, Sariah? Hindi mo ba hihintayin matapos ang iyong kasintahan na kumain?” istrika nitong tanong. Tumango ako at huminga ng malalim. Baka makahalata si Carolina. 

Nakatitig lang ako sa kaniya habang siya ay kumakain, paminsan-minsan ay umiinom ako ng tubig. 

Tumayo siya at tinanguan ako, unti-unti akong tumango at sabay kaming naglakad palabas. Nang makalabas kami sa hapag-kainan, marahan niya akong hinila papunta sa hardin. 

“Tres, n-nakabuo ka na ba ng plano?” tanong ko, kasalukuyan kaming magkaharap ngayon. Seryoso ang kaniyang mga mata na nakatitig sa kabuoan ng aking mukha. 

Umiling siya. “Sa ngayon, may mga nabubuo na akong plano sa aking isipan. Ngunit hindi pa rin ito tuluyang buo.”

“A-Ang kasintahan mo? Kamusta kayo? May galit ba siya sa akin?” kabado kong tanong sa kaniya, bahagya siyang humalakhak. 

Freedom at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon