Kabanata 12

296 5 5
                                    

Kabanata 12

"W-Wala pa," tugon ni Tres at umiwas ng tingin. Bumaling sa akin si Carolina at pinagmasdan ako. Seryoso ang kaniyang mga titig sa akin, na nagdudulot ng kaba sa aking sistema.

"Sariah?" nakataas ang kaniyang kilay sa akin. Umiling ako. 

"W-Wala pa rin," tugon ko. 

Hindi ko mapigilang kabahan sa nangyayari ngayon. Baka may mga katanungan si Carolina at hindi ko ito masagot, baka mabuko kami. 

Napatango si Carolina. "Hangga't maaga, pag-isipan niyo sana ang petsa ng inyong kasal." 

Nagdaan ang ilang oras, natapos ang pagsasalo. Bago tuluyang magpaalam si Tres, nagbeso kami. Nakatingin sa amin ang mga bisitang naroon, ang iba ay malawak na nakangiti habang pinagmamasdan kami.

Pagkatapos no'n, umalis na si Tres. Sinundan ako ni Sapphire papunta sa aking silid. Isinarado niya iyon at naupo kami pareho sa kama. 

"Si Thalia? Siya ang dating kasintahan ni Tres?" Hindi ko maiwasang mapatanong.

Tumango siya. "Oo. Hindi kami magkasundo. At ayaw ko sa kaniya."

"N-Nasaan na siya ngayon?" takha kong tanong. Siguro, palagi silang magkasama ni Tres kaya parating wala si Tres.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Sa tingin ko, umalis na siya rito sa siyudad o kaya naman ay nagtatago sa isang liblib na lugar," tugon niya. Pakiramdam ko tuloy ay may masamang nangyari kay Thalia. Hindi naman siguro iyon hahayaan ni Tres.

"Bakit sila naghiwalay ni Tres?"

"Hindi sila naghiwalay, sila'y pinaghiwalay ni Tiya. Gustong-gusto nila ang isa't-isa. Gusto ni Tiya na kayo ni Tres ang maikasal at magkatuluyan, hindi sila ni Thalia. Alam naming labag iyon sa inyong dalawa. Ngunit iyon ang kagustuhan ni Tiya Carolina, wala kaming magagawa." 

Bakit gano'n? Bakit kagustuhan at kasiyahan ng isa ang sinusunod ng lahat? Hindi iyon patas. Hindi patas ang mundo sa Biringan. Hindi patas ang buhay namin ni Tres. Sunod-sunuran kami sa iba, aso kami sa mundong 'to. 

Alipin kami sa mundong ‘to. 

Gusto kong umiyak. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong makita ang pamilya ko, gusto ko na silang mahagkan. Pero wala akong magawa… 

"Huwag mo sanang isipin na masama ang Tiya, ginagawa niya lang iyon para sa ikakabuti niyong dalawa."

Huminga ako ng malalim at saka matapang na binigyan ng panlaban ang sinabi ni Sapphire. 

"Hindi ito makakabuti sa aming dalawa ni Tres. Pareho naming ayaw 'to. Pareho kaming napipilitan sa desisyong 'to," malamig kong tugon. Tinignan niya ako ng diretso sa mata. 

"Wala akong magawa…" bulong niya. 

"Sa 'yo ako boto, Sariah, at hindi sa Thalia na iyon."

"Mahabang panahon na ang lumipas magmula noong magkakilala si Tres at Thalia. Maraming beses silang pinaghiwalay ni Tiya Carolina, ngunit nanaig pa rin ang kanilang pag-iibigan sa isa't-isa. Kaya ngayon, alam kong nagdududa pa rin si Tiya kay Tres. Pero ako, sigurado akong wala na sila."

"Paano mo naman nasabi?" 

Nagkibit-balikat siya. "Pakiramdam ko lang. Ipinatapon siguro si Thalia sa malayong lugar."

Kung totoo man ang sinabi ni Sapphire, nakakasigurado akong hindi iyon hahayaan ni Tres. Hindi niya hahayaang gawin iyon kay Thalia.

"Sapphire, maaari ba akong magtanong sa iyo?" 

Freedom at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon