Kabanata 20

264 8 6
                                    

Kabanata 20

Kasalukuyan akong nasa aking silid. Nakahiga at malalim ang aking iniisip ngayon. Noong una palang, hindi ko lubusang inaasahan na mahuhulog siya sa akin. Akala ko, kaibigan lang ang lahat. 

Alam ko sa sarili ko na hindi ko kailanman masusuklian ang pagmamahal sa akin ni Kwatro. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, wala nang iba. Hanggang doon lang. 

Kapag nagpatuloy ang pagmamahal niya sa 'kin, masasaktan ko siya. At ayaw ko mangyari iyon. 

Isang marahang katok sa pinto ang aking narinig, dahilan upang makabalik ako sa reyalidad. Kaagad akong tumayo at pinagbuksan iyon, bumungad sa akin ang nakangiting si Luissiana.

"Binibini, kakain na ho," wika niya at tumango nalang ako. 

Hindi ko mapigilang kabahan dahil baka naroon si Kwatro sa hapag-kainan, paniguradong magkakailangan kami pareho. 

Huminga ako ng malalim at saka tuluyang lumabas. Ala-siete na ngayon ng gabi at oras na ng pagkain. Sana ay wala siya sa hapag-kainan. 

Nang makarating ako do'n, nakahinga ako nang maluwag nang makita wala si Kwatro do'n. Naupo ako sa pwesto ko, nanatiling bakante ang harap kong upuan. Naroon sila Sapphire, ngunit wala na si Simon at Luis. Nakita ko ang pagtatakha ni Carolina nang mapansing wala si Kwatro sa aking tabi.

"Sariah, nasaan si Kwatro?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko.

"H-Hindi ko alam," sagot ko sa kaniya. Nasaan na nga ba s'ya? Kumain na kaya siya? Umiiyak kaya siya ngayon? Sana ay ayos lang siya.

"Nakita ko si Kwatro kanina na umalis," wika ni Dos. Nagsimula na kaming kumain.

"Sila ni Sariah ang huling magkasama," dugtong ni Dos at nagulat ako. Bakit kailangan niya pang sabihin ang bagay na iyon?

Dumapo ang paningin ni Carolina sa akin.

"K-Kami ang huling magkasama, pero wala akong ideya kung nasaan siya," depensa ko sa aking sarili. Dahil iyon naman talaga ang totoo, wala akong ideya kung nasaan siya ngayon.

Napainom si Carolina ng alak. Nanaig ang katahimikan sa buong silid-kainan. Mayamaya pa, binasag ni Carolina ang katahimikang naghari.

"Hindi na ako makapaghintay sa kasal niyo ni Tres. Sana ay walang pesteng sumira nito," wika ni Carolina na nagparamdam sa akin ng ilang. Umiwas ako ng tingin at mas piniling itikom ang bibig. 

Hindi pa ako handang ipakasal sa kahit kanino. Masyado pa akong bata. At hindi ko alam kung bakit ito ginagawa sa akin ni Carolina. Sinisira niya rin ang relasyon ni Tres at Thalia, kahit hindi naman dapat. 

"May naisip na ba kayong petsa, Sariah? Ikaw?" tanong sa akin ni Carolina at marahan akong umiling bilang tugon.

"Wala." Kaagad kong sagot.

"Tiya, mas magandang huwag natin silang madaliin," sambit naman ni Sapphire, napatango ro'n si Carolina. 

"Hindi lang talaga ako makapaghintay," sambit niya at napainom ng alak.

Sa totoo lang, wala akong balak bigyan ng oras ang pag-iisip ng petsa ng kasal. Ganoon din naman si Tres dahil pareho kaming hindi interesado sa isa't-isa. Interesado siya kay Thalia, habang ako, hindi pa handa sa pagpapakasal. Gusto ko pang maabot ang mga pangarap ko bago ako tumungtong sa ganiyang bagay. 

Pagkatapos nang pagsasalong iyon ay napagdesisyunan kong mamasyal sa parke. Hindi ko alam kung naroon ba iyong matandang manghuhula, sana ay wala. Gusto ko lang magpahangin dahil hindi maiproseso ng utak ko ang lahat ng nangyayari. 

Freedom at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon