Kabanata 33

158 6 1
                                    

Kabanata 33

Panibagong araw na naman ang kahaharapin ko ngayon. Ala-singko pa lang ngayon ng umaga at medyo madilim pa sa labas.

Bumangon ako mula sa masarap na pagkakahiga at kaagad naglinis ng katawan. Nagsuot ako ng victorian na bestida at ito'y kulay asul. Nakapusod din ang aking buhok at naglagay ng koloreteng kulay pula sa aking labi.

Kaagad akong dumiretso sa labas ng aking silid. Ang mga katulong ay naghahanda na ng makakain kaya napagdesisyunan kong tumulong na lang muna.

“Kaya na po namin rito, Binibini.” Pagpipigil sa akin ng isang katulong.

Marahan akong umiling.

“Hayaan niyong tumulong ako,” sambit ko at ngumiti.

Kaya sa huli, wala silang nagawa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ko.

Pagkatapos no’n, inihanda namin ang mga pagkain. 

Nang inilapag ko ang niluto kong kaldereta, kasabay niyon ang pagbukas ng pintuan at pagtama ng mga mata namin ni Tres. Hindi ko inaasahan na darating sila rito, mabuti nalang at tumulong ako.

Tipid ko siyang nginitian at tumango.

“Oh, Sariah!” bati ni Simon. Lumapit siya sa akin at nagbeso.

“Magandang umaga po,” magalang kong bati sa kaniya.

“Magandang umaga rin, Hija! Ikaw ba ang nagluto ng kaldereta na ito?” nakangiti niyang tanong.

Tumango ako. “Ah, opo,” tugon ko.

Nakipagbeso ako kila Sapphire, Uno, Dos, Kwatro, at Simon.

Ramdam na ramdam ko ang titig nila sa akin habang papalapit kay Tres. Kumalabog ang puso ko nang magtama ang paningin namin ni Kwatro, malamig niya lang akong tinititigan.

Nang makalapit ako kay Tres, nakipagbeso ako sa kaniya.

“M-Magandang umaga,” bati ko at kaagad na humiwalay.

Tumango lang siya at tipid akong nginitian. 

Pumunta na ako sa aking upuan at magkatapat kami, katabi ko naman si Kwatro na tahimik lang sa tabi ko, walang imik.

Sila ay nagkekwentuhan habang ako ay tahimik lang at nakayuko.

Isang mabigat na yapak ang aming narinig kasabay ng pagbukas ng pintuan ng hapag-kainan.

Bumungad sa amin si Carolina. Umupo siya sa kaniyang pwesto at isa-isa kaming pinasadahan ng tingin.Natahimik ang lahat noong dumating siya.

Nakipagbeso sa kaniya ang kaniyang mga kapatid at pamangkin, ngunit si Tres lang ang hindi gumawa no’n. Bakas ang hiya sa kaniya. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin sila nagpapansinan?

Bumati si Carolina sa lahat at tanging boses lang niya ang naririnig. Wala siyang bisita at kami-kami lang din kung kaya ay tahimik ang paligid.

“Kamusta?” nakangising panimula ni Carolina, tinatanong sila Simon at Luis.

Nagsimula na kaming kumain.

“Ayos naman kami, Kapatid. Ikaw?” balik tanong ni Simon sa kapatid.

“Ako’y ayos lang naman,” tugon nito.

Tumikhim si Simon.

“May nais sabihin ang aking anak sa iyo, Carolina,” wika ni Simon na nakaagaw atensyon sa aming lahat.

“Sinong anak ba iyan?” nakataas kilay nitong tanong.

“Si Tres,” tugon nito.

“Oh!” Sarkastiko siyang napatakip ng bibig sabay tingin sa pamangkin.

Freedom at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon