Kabanata 30

178 12 5
                                    

Kabanata 30

Sa sobrang daming nangyari, ultimo kahit kaarawan ko ay nakalimutan ko. Pero kahit ganoon, masaya akong napanaginipan ko ang aking pamilya, at sa mismong kaarawan ko pa. Masaya na ako sa pangyayaring iyon.

Ika-tatlo ng marso ngayon, aking kaarawan.

Huminga ako ng malalim at saka bumangon. Nagbihis ako ng renaissance dress na kulay pula, sumisimbolo sa aking kaarawan. Hindi ako naglagay ng anumang kolorete sa aking mukha. Ipinusod ko ang aking buhok at saka lumabas.

Ika-labing siyam kong kaarawan ngayon. Lagpas na ako sa tamang edad.

Hanggang ngayon ay naninikip ang dibdib ko dahil sa aking panaginip. Gustong-gusto kong mahagkan ang pamilya ko, ngunit imposible iyong mangyari.

'Di bale na, nakapiling ko naman sila sa aking panaginip.

Ala-siete na ngayon ng umaga at mainit ang panahon sa labas, maaliwalas din ang paligid.

Dumiretso ako sa hapag-kainan at nag-almusal, wala roon si Carolina at ang ibang katulong lang ang kasabay kong kumain.

Pagkatapos no'n ay napagdesisyunan kong pumunta sa aking silid upang mamahinga na lang maghapon, ayaw ko namang mamasyal dahil napakainit ng panahon sa labas.

Akmang aapak na sana ako sa hagdan pataas nang makarinig ako ng isang tawag, boses ng isang katulong.

"Binibining Sariah!" tawag nito sa aking pangalan kung kaya ay napalingon ako. Lumapit ako sa kaniya at nginitian siya.

"Pinapatawag po kayo ni Reyna Carolina sa kaniyang silid," aniya at bahagya akong nagtakha.

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Carolina, siguro'y may importante siyang sasabihin.

Upang malaman ang dahilan, dumiretso ako sa kaniyang silid at kusang binuksan ang pinto.

Bumungad siya sa aking paningin. Nakaharap siya sa malaking salamin at sinusuklayan ang mahahabang hibla ng kaniyang buhok.

"B-Bakit?" panimula kong tanong.

Tumigil siya sa pagsusuklay at sumenyas na lumapit ako sa kaniya.

Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama, tahimik lang. Tahimik kong pinasadahan ang kaniyang silid bago tuluyang bumaling kay Carolina.

Naupo siya sa aking tabi at diretso akong tinignan sa aking mga mata.

"Kaarawan mo ngayon, hindi ba?" tanong niya, nakangiti at maaliwalas ang mukha.

Bahagya akong nagulat sa kaniyang sinabi. Paano niya nalaman?

"Paano mo ito nalaman?" gulat kong tanong, hindi makapaniwala. Wala pa naman akong napagsasabihan ng bagay na iyon.

Ngumisi siya. "Alam ko ang lahat," tugon niya sa akin.

Unti-unti akong tumango. "K-Kaarawan ko ngayon," sagot ko at pilit tinatago ang lungkot sa aking boses. 

"May ibibigay ako sa iyong regalo," nakangiti niyang wika. Bakas ang pagkasabik sa kaniyang mga mata.

Ano kaya ito? Siguro ay ginto at pilak. Hindi ko naman iyon kailangan.

Inilabas niya ang isang kwintas na gawa sa kahoy ang palawit. Ang palawit no'n ay hugis diyamante, gawa sa kahoy, at sa ginta noon ay mayroon ding hugis diyamante na kumikinang, kulay asul.

Masasabi kong kakaiba ang kwintas na iyon at iba ang aking pakiramdam. 

"Ang kwintas na 'to…" bulong niya.

Freedom at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon