Chapter 3

3.2K 173 20
                                    

Jules' POV

Miyerkules ngayon at half day na naman, kaya naman nandito uli kami sa field at ginagawa ang horror house. Tumingin ako sa paligid at busy din ang iba sa paggawa ng kani-kanilang booth. Sa tingin ko yung amin ang pinaka mahirap at magastos.

"Ate! Ate!" Napalingon ako kay James nang bigla niyang tawagin si Gab na gumagawa ng props. Nilingon naman siya nito. "Bagay ba sakin 'to?" Tanong niya habang pinapakita yung kapa at pangil na ginawa niya.

Pinigilan kong mapangiti pero si Gab tinawanan niya si James.

"Hindi bagay, hahaha" tatawa tawa pang sabi ni Gab. Lumungkot yung muka ni James kaya naman hinatak niya si James palapit sa kaniya at saka bumulong. Biglang lumiwanag ang mukha nito at tumango tango pa, tapos nagtatakbo na si James palapit kay Mike na gumagawa ng costume.

Lumapit ako kay Gab at tinabihan siya, tiningnan niya 'ko pero tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong binulong mo do'n?" Tanong ko.

Lumingon siya kay James tapos ngumiti at humarap uli sakin bago magsalita. "Sinabi ko sa kaniya na hindi siya bagay maging bampira. Pero kung magiging tiyanak siya, mas marami siyang matatakot. Kaya sabi ko magpatulong siya kay Kael gumawa ng costume. At saka mas bagay talaga sa kaniya yung tiyanak noh" tapos tumawa siya ng tumawa. Madalas talaga kapag tumatawa siya, bigla nalang akong napapangiti. Tulad ngayon.

"Oo nga pala, umalis ka kagabi diba?" Napataas ang kilay niya nung una pero tumango rin siya.

"Pa'no mo nalaman?" Tanong niya.

"Nasa balcony ako nung makita kitang nagmamadaling umalis, kaya siguro hindi mo 'ko napansin" sabi ko tapos tumingin sa ginagawa nila Kael at James. "May nangyari ba?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Huminga siya ng malalim tapos tumingin din kala Kael.

"Pinapunta ako ni kuya sa SAP kagabi. Alam mo bang kinabahan ako no'n kasi parang nagmamadali siya nung nagtext siya. Tapos pag dating ko do'n, pag pasok ko sa office namin bigla nalang may nagpasabog ng confetti. Tapos biglang lumabas sila Mommy na may dalang cake. Kagabi kasi naging official na ang pagiging rank 1 ko bilang agent, kaya naman gusto nila akong i-surprise kahit na gano'n lang" pinanood ko siya habang nagku-kwento siya, kitang kita ko na masaya siya kaya naman ngumiti ako at ginulo yung buhok niya.

"Congrats" sabi ko at nilingon naman niya 'ko.

"Salamat" ngumiti siya tapos bigla nalang tumingin sa mga kaklase namin tapos sakin. "Oo nga pala, mga gangster kayo diba?"

"Bakit?"

"Eh kasi diba may laban dapat kayo? Yung sa Gang fight ba 'yon? Ano nang nangyari?" Tanong niya.

Umiling ako tapos tumingin sa mga kaklase namin. "Na-disqualified kami. Hindi kami nakarating nung susunod na laban dahil na-kidnap ako"

"Oo nga pala, natapat pa do'n. Pero alam mo ba, sa tingin ko hindi kayo mananalo do'n"

Gulat akong napatingin sa kaniya ng sabihin niya 'yon. Ngumiti siya tapos hinawakan niya yung kamay ko.

"Sabihin na nating malakas kayo, natatalo niyo yung ibang gang. Pero kasi, nung nakita ko kayong nakikipaglaban, may kulang eh"

"Kulang?" Tanong ko at tumango naman siya. Iniharap niya yung katawan ko sa kaniya tapos hinawakan niya yung baba niya na para bang nag-iisip.

"Malakas kayo pero kulang kayo sa skills" lumingon siya sa iba tapos tumingin uli sakin. "Tapos kapag nakikipaglaban kayo isa-isa. Hindi kayo nagtutulungan. Kung sa malalakas kayo nakipaglaban tapos nagtapatan kayo, matatalo kayo. Pero kung may connection kayo sa isa't isa, mananalo kayo"

The Only Girl in Boys Campus 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon