Gab's POV
"Ang tagal naman niya" sabi ni kuya habang pinaglalaruan yung phone niya. Tinawagan kasi namin si Lily kanina at sinabing kailangan namin siyang makausap. Hindi ko alam kunh saan siya ngayon nakatira dahil binenta na yung bahay nila dati. Malamang kumuha 'yon ng apartment. Murang apartment.
"Kadadating pa nga lang natin eh" sabi ko naman. Nandito nga pala kami ngayon sa mall. Ang arte kasi ni Lily, gusto niya bilhan muna namin siya ng dress bago namin siya tanungin.
"Kapag ako nainip---"
"Hala, matagal ba 'ko?" Biglang singit ni Lily. Kadarating lang niya. Umupo siya isa pang upuan sa tapat namin at tumingin samin ni kuya.
Si kuya naman asar na tumingin sa kaniya. "Oo, sobrang tagal mo" sabi niya kay Lily. Isa pa 'tong si kuya eh. 5 minutes pa nga lang kaming naghahantay dito eh.
"Tara na, samahan niyo 'ko" biglang sabi ni Lily at hinatak ako. Wala namang nagawa si kuya kundi sumunod nalang.
Nagpunta kami sa lugar kung saan maraming tinitindang dress. Grabe, siguradong mamahalin 'tong mga 'to.
"Anong dress ba ang hinahanap mo?" Tanong ko kay Lily. Sobrang dami kasi talagang tinda rito. Kahit madalang ako magsuot niyan, hindi ko parin maiwasang isipin kung babagay ba ang mga 'yan sakin.
"Ah basta, babalik ako. Hahanapin ko lang ah? Hahaha" tapos ayun, umalis na siya. Naupo nalang kami ni kuya sa isang tabi habang hinihintay siya.
Tinitingnan ko lang yung mga dress tapos maya-maya, bigla nalang tumawa si kuya. Taka naman akong tumingin sa kaniya. Anong problema nito?
"Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Hahahaha, hindi. Ikaw kase" huminga muna siya dahil mukhang hiningal siya kakatawa. "Ikaw kasi, ngayon lang kita nakitang ganyan kainteresado sa mga damit na ganyan. 'Yan ba ang epekto ng Shades mo?" Tapos ayun, tumawa na naman siya.
"Alam mo kuya, ang daldal mo" sabi ko pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Bigla siyang lumingon sakin tapos tumigil.
"Sige, pumili ka ng isa" sabi niya kaya naman gulat akong napatingin sa kaniya.
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti siya tapos ginulo niya ang buhok ko.
"Pumili ka ng isang dress, ibibili kita" sabi pa niya tapos hinatak ako para tumayo sa harap niya. "Alam mo, sa sobrang busy natin sa trabaho, ngayon ko lang uli na isip na... na normal na tao parin tayo. Yung mga ganitong bagay, madalang natin 'tong magawa. Katulad nalang ngayon, hindi ko namalayan na dalaga na pala ang kapatid ko" sabi niya tapos iniharap niya ko sa mga dress na malapit samin.
"Kahit bali-baliktarin man ang mundo, ikaw pa rin ang nag-iisang prinsesa ko. Kaya sige na, pumili ka na ng gusto mo hanggang nasa mood pa 'ko" tapos binitawan niya ko. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti. Lumingon ako kay kuya at hindi ko namalayan na nanggihilid na pala ang mga luha ko.
Minsan talaga hindi ko maintindihan si kuya. Ngayon lang uli kami nagsama ng ganito. Lagi kasi kaming busy sa trabaho.
"O ano? Titingnan mo lang ako? Dali na pumili ka na. Tapusin na natin 'tong trabaho na 'to para makasama mo na si Jules---" napatigil siya dahil sinuntok ko siya sa dibdib niya. "H-hoy baliw ka ba---"
Ngumiti ako tapos nag-peace sign sa kaniya. "Thank you, kuya" sabi ko sabay talikod. Sigurado ako na narinig niya 'yon, pero ayokong makita yung reaksyon niya. Malamang mag-o-over acting 'yon. 'Yan ang kuya ko. Siguradong paiyak na 'yon.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Boys Campus 2
RomanceSigurado kayang nahuli na talaga ang kalaban? Pa'no nalang kung ang pinagkakatiwalaan nila ay kalaban pala. Panibagong problema? Kayanin kaya nila? This is an unedited version. So expect na maraming typo at errors dito : ) TOGIBC2 by: @blackandblu...