Jc's POV
Lunes na ngayon at nakapagtatakang absent si insan. Kaninang umaga pagkagising namin wala na siya sa bahay, pati yung sasakyan niya wala na rin sa garahe. Napansin ko ring tahimik si Jules kanina pa. Tahimik naman talaga siya at hindi masyadong nagsasalita, pero iba siya kanina. T'wing umaga kasi pinupuntahan niya si insan sa kwarto, kung hindi naman siya ang pupunta, ako ang pupunta para gisingin si insan.
Maingay ngayon dito sa room kasi wala pang teacher. Nakakapagtaka nga rin na halos thirty minutes nang walang dumarating. Kung tama ang pagkakatanda ko, si Ms. Reyes na dapat ang teacher namin. Bakit kaya wala pa siya? Hindi naman 'yon nale-late ng ganito katagal.
Umiling nalang ako at tinanggal 'yon sa isip ko. Lumingon ako kay Jules na nasa likod ngayon. Katabi niya si Jerson at dahil silang dalawa ang magkatabi, syempre walang nagsasalita sa kanila. Masyado silang tahimik at seryoso. Kaya naman naisipan kong tumabi sa kanila.
"Ah, Jules" lumingon naman siya sakin. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong itanong, pero kasi, nag-aalala rin naman ako kay insan. "Itatanong ko lang kung alam mo ba kung nasa'n si insan? Nag-aala kasi ako sa kaniya, hindi man lang siya nagpaalam sakin" sabi ko.
Tumango naman siya at mukhang pareho lang kami ng nararamdaman. "Pinatawag daw sila ng Boss nila sa SAP. May kailangan daw kasi silang pag-usapan" 'yon lang ang sinabi niya at mukhang 'yon lang ang alam niya.
Oo nga pala, hindi na nakakapasok si insan sa SAP dahil madalas na siyang nandito sa school at sa bahay niya. Ang sabi niya samin palaging online meeting nalang ang ginagawa nila. Mas mabuti nga siguro kung pumasok muna siya sa SAP. Lalo na kung mahalaga talaga ang pag-uusapan nila.
Natapos na ang last period namin pero wala pa ring teacher na dumating. Lunch break na.
Habang naglalakad kami, hindi namin maiwasan na pag-usapan si Ms. Reyes.
"Sa tingin niyo bakit hindi dumating si Ms. Reyes?" Tanong ni Kael.
"Siguro napagod humagdan" - Jake
"BWAHAHAHA!" Nagtawanan sila habang ako nagpipigil ng tawa, baka kasi may nakarinig nung sinabi ni Jake, ayokong madamay noh!
Nag-usap usap pa sila at kung anu-ano ang iniisip at sinasabi nila tungkol sa hindi pagpunta ni Ms. Reyes samin. Nang bigla nalang akong may naalala. Hinablot ko si Mike at inilayo siya ng kaunti sa mga kasama namin. Taka naman niya kong tiningnan.
"Ano nang balita sa pinapahanap ko sayo?" Seryosong tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Nag-isip pa siya kung tungkol saan ba yung sinasabi ko, pero mukhang naalala rin niya agad.
"Ah, oo nahanap ko na 'yang soon to be girlfriend m---"
"Sabing secret eh" galit na bulong ko kaya naman napatawa siya habang tumatango tango.
"Oo na, secret na" pagsuko niya tapos kinuha niya yung phone niya. May kung ano siyang ginawa tapos nakangisi siyang tumingin sakin. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'to ng libre?"
"Anong??" Gulat kong tanong habang siya naman ay tuwang tuwa.
"Sige na, pre. Kailangan ko talaga ng pera ngayon eh"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "At para saan?"
"Nalulugi na kasi yung resort namin, puro pera ni mommy yung ginagamit ko kaya gusto ko sanang h'wag munang umasa sa kaniya. Balak ko rin sanang humanap ng trabaho para kahit papa'no matulungan ko sila" tiningnan ko siya at mukha namang hindi siya nagsisinungaling. Kitang kita ko yung lungkot sa mga mata niya habang sinasabi niya 'yan. Oo nga pala, kaka-divorce lang ng parents niya. Only child siya kaya naman ginagawa lahat ng mommy niya basta para sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/224736252-288-k675364.jpg)
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Boys Campus 2
Roman d'amourSigurado kayang nahuli na talaga ang kalaban? Pa'no nalang kung ang pinagkakatiwalaan nila ay kalaban pala. Panibagong problema? Kayanin kaya nila? This is an unedited version. So expect na maraming typo at errors dito : ) TOGIBC2 by: @blackandblu...