Gab's POV
Myerkules na at nandito ako ngayon sa classroom. Mag-isa lang ako ngayon dahil pinatawag ang buong section F pwera sa'kin. Ang daya nga eh, section F din naman ako pero hindi ako kasama. Ano kayang pinag-uusapan nila ngayon sa Dean's Office.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinitigan 'yon. Wala akong load, wala akong magawa.
Nanatili nalang akong nakaupo rito at dumukdok ako sa arm rest ng upuan ko. Matutulog nalang ako hanggang sa dumating sila.
Nang maramdaman kong may parating, mabilis akong napa-angat ng tingin at tiningnan kung sino ang parating.
"Good morning po, Ms. Reyes" sabi ko pagpasok ni Ms. Reyes sa room. Mukhang hindi niya alam na pinatawag ang mga kaibigan ko kaya naman tumayo ako at nagsalita. "Pinatawag po sila ng Dean" sabi ko.
"Ah gano'n ba?" Tumango naman ako.
Ilang araw ko nang napapansin na parang may iba kay Ms. Reyes. Eh kasi diba, lagi siyang nakikipagtalo sa'kin. O kaya lagi niya kong pinag-iinitan, tinatarayan gano'n. Pero nitong mga nakaraang araw parang ibang tao na siya. Hindi na kasi siya masungit.
"Sige, aalis na 'ko" sabi niya at lalabas na sana sa room pero pinigilan ko siya.
"Sandali lang po" napatigil siya tapos lumingon sa'kin. Kumunot ang noo niya. Hindi ko alam kung tama bang ngayon ko 'to itanong sa kaniya. Pero mukhang 'eto na ang pagkakataon dahil tinutulungan kami ni bathala na mag-usap ng kami lang dalawa.
"Ano 'yon?" Tanong niya.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.
"Itatanong ko lang po sana kung..." Bwisit, pa'no ko ba 'to sasabihin. "Kung... may asawa kayo?"
Lalo siyang nagtaka sa tanong ko. Pero buti nalang at sumagot siya.
"Oo, meron"
"Eh anak? May anak ba kayo?" Siguradong nagtataka na siya sa mga tanong ko pero hindi ko na 'yon pinansin at sa halip ay tiningnan nalang siya sa mata.
"Wala" sagot niya kaya kumunot ang noo ko.
Wala?
Ibig sabihin ba no'n nagkamali ako?
Pero kahit kailan hindi pa nagkamali ang mga kutob ko kapag nag-iimbestiga ako. Ngayon lang.
"Wala ka na bang tanong? Pwede na 'kong umalis?"
"Ah isa nalang po!" Pahabol ko pa bago siya lumabas. Hinihintay niya ang itatanong ko kaya naman nagsalita na 'ko.
"Ilog" bigla siyang natigilan. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya nang sabihin ko 'yan. "Ano pong meron sa ilog, Ms. Reyes?"
Pinanood ko lang siya. Hindi na siya makatingin sa'kin ng deretso kagaya kanina. Nakita ko ring humigpit ang pagkakakapit niya sa bag na hawak niya. Humarap siya sa'kin at mabilis na nagsalita.
"Tubig" sagot niya at hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Wala ka na bang tanong? Kasi kung wala na, aalis na 'ko. May kailangan pa 'kong gawin" sabi niya at tuluyan nang umalis.
Habang nakatingin ako sa likod niya, napansin ko na may pasa pala siya sa braso niya.
Isa lang ang sigurado ako.
Sinasaktan siya ng asawa niya.
Alam kong labas ako sa away nilang dalawa pero may ibang pakiramdam ako. Pakiramdam ko mas malalim pang kwento ang kailangan kong malaman tungkol dito.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Boys Campus 2
RomanceSigurado kayang nahuli na talaga ang kalaban? Pa'no nalang kung ang pinagkakatiwalaan nila ay kalaban pala. Panibagong problema? Kayanin kaya nila? This is an unedited version. So expect na maraming typo at errors dito : ) TOGIBC2 by: @blackandblu...