Chapter 2

3.4K 159 19
                                    

Gab's POV

"Pass your papers" sabi ni Sir Sarmiento kaya naman pinasa na namin yung mga test paper namin. Maagang magte-test ngayon dahil nga sa gaganaping event.

Inayos ni Sir yung mga test paper bago humarap samin. "Kumusta na yung horror house niyo?" Tanong niya.

"Nakabili na po kami ng mga gamit!" Excited na sabi ni James.

"Sisimulan na po namin mamaya" sabi naman ni insan.

"Mabuti kung gano'n. Basta sabihin niyo lang sakin kung may kulang pa at ako nang bahala ro'n" nakangiting sabi ni Sir.

"Salamat Sir!" Sabay sabay na sabi namin bago lumabas si Sir Sarmiento sa room.

Lalabas sana sila Christian kaya lang biglang dumating si Ginoong Reymond kaya bumalik na rin agad sila. Pumasok si Ginoong Reymond at humarap sa 'min habang hawak hawak ang mga test paper, test na naman.

"Magandang umaga sa inyong lahat"

Sabay sabay kaming tumayo at bumati pabalik. "Magandang umaga rin po, Ginoong Reymond" kauupo palang namin pero nagbibigay na siya agad ng test paper. Grabe naman, alam kong makakasagot ako pero yung iba... Lumingon ako sa mga kaklase ko at halatang nahihirapan sila. Tumingin ako kay Sir at hindi naman siya nakatingin sa 'min, may ginagawa siya sa laptop niya eh. Hindi naman siguro masama kung magbibigay ako ng sagot diba?

Ang totoo niyan minsan na namin 'tong napag-usapan. Biruan lang 'yon pero hindi ko akalain na gagawin talaga namin 'to.

Sa harap ako nakaupo ngayon, saktong sakto. Pasimple ako nag-unat pero ang totoo sinenyasahan ko ang lahat gamit ang daliri ko na naka number 1. Tapos hinawakan ko yung tenga ko, ibig sabihin letter c. Muka namang nakuha nila 'yon hahaha. Yung iba lang naman ang kumuha ng sagot ko kasi si Shades at Jerson matalino naman sila. Tumingin ako sa harap at tapos na pala si Sir sa ginagawa niya, isang sagot lang nabigay ko. Hanggang 20 pa naman 'tong test.

Pagkalipas ng isang oras nagpasahan na ng test papers. Ibig sabihin tanghali na! Nagpaalam na si sir kaya naman nagmadali kaming lumabas para makakain tapos sisimulan na agad namin ang paggawa sa horror house. Syempre kinuha muna namin yung ibang mga gamit na kakailanganin namin.

Pumunta kami sa field at naghanap ng pwesto. Marami naring tao ro'n na nagsisimula na sa pag gawa ng mga na-assign sa kanila.

"Dito nalang tayo" sabi ni Jerson na sinang-ayunan namin. Nasa gitna kami dahil karamihan ay nasa gilid ng field.

Ang una naming ginawa ay ang pinaka bahay, gawa sa plywood at card bard boards. Ang gastos nito ah! Dapat mahalan din namin yung entrance fee hahaha, kaya lang baka walang magpunta. Ayos na siguro ang 20 pesos. Gwapo naman yung mga zombie, bampira o kung ano man ang costume ng iba kaya siguradong maraming pupunta. Haha~

Magta-time na kaya naman babalik na sana kami sa room pero bigla nalang nag-announce na half day lang kaya naman tinuloy na namin ang ginagawa namin. Hanggang friday,half day lang. Siguro binibigyan nila kami ng time para gumawa, bawal kasi pumunta rito sa school kapag walang pasok.

Lumipas ang ilang oras bago kami makatapos. Nagawa na namin yung pinaka-base. Pipinturahan nalang namin 'to at ayos na. Yung mga props nalang sa loob at costumes ang kulang.

Tumingin ako sa langit, malapit na dumilim. 6:00 ang sara ng school at 5:30 na, kailangan na naming umalis. Sinukbit ko yung bag ko sa likod ko pero agad ko rin 'yong nabitawan, ang sakit ng likod ko. Napailing iling ako at nag-unat, kinabog kabog ko rin ng mahina yung likod ko, ang sakit. Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang may humawak sa kamay ko kaya naman napalingon ako sa likod.

The Only Girl in Boys Campus 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon