Chapter 15

1.8K 97 20
                                    

Gab's POV

"Ayoko na, hindi ko na kaya" sabi ni insan at tinanggal ang protective gears na suot niya. Sumalampak nalang siya sa sahig at sumama sa mga kaibigan namin. Kami nalang nila Shades at Jerson ang naiwang nakatayo.

Ngayon kasi ay nagpa-practice ako rito sa training room. Balewala lang yung pagte-training namin sa SAP kung hindi tuloy tuloy ang pagpa-practice namin. Kaya naman kailangan ko na 'tong gawin araw araw para masanay ang katawan ko. At syempre nang malaman nila 'yon, sumunod sila sakin dito sa training room at nagtrain na rin. Magda-dalawang oras na rin kami rito kaya naman pagod na kaming lahat.

"Grabe, magkakasakit yata ako" sabi ni James na nanonood nalang samin ngayon.

"Ganyan din si Renz nung baguhan palang siya. Pero habang tumatagal na ginagawa niya yung training, nasasanay siya at mas kinakaya na niya yung ibang pinagagawa samin" sabi ko habang sinisipa yung dummy na nasa harap ko.

"Yun ba yung agent na pinsan mo na kasing tanda ko na tumulong satin dati, ate?" Manghang manghang tanong ni James. Ang cute talaga niya kapag ganyan siya.

Tumango naman ako. Tapos nagulat ako nang tumayo si James at kinuha yung cellphone niya.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Dave. Lahat kami nanonood sa ginagawa ni James.

"Magpapaturo ako sa kaniya kung pa'no maging katulad niya" sagot ni James. Nagtaka naman kami sa sinabi niya kaya tumingin siya samin at ngumiti bago uli magsalita. "Hiningi ko yung number niya nung huli kaming nagkita. Madalas kami maglaro ng COD nitong mga nakaraang araw. Ngayon ko lang naisip na magpaturo sa kaniya" kumikinang kinang pa yung mga mata niya habang sinasabi 'yan.

Kaya pala madalas ko siyang makitang naglalaro kasi may kalaro na siya. Dati kasi madalang siyang maglaro.

Napatigil kami nang biglang pumasok si Christian galing sa labas. "Kumain daw muna tayo sabi nila manang" nakangiting sabi niya.

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni Christian mula kahapon. Nung galing kasi kami sa school, nakangiti siya, pag-uwi namin sa bahay nakangiti pa rin. Tapos hanggang ngayon. Napansin ko rin na hindi na siya nakikipagtalo kay insan. At gano'n din naman si insan. Pareho sila.

Parang may kakaibang nangyayari.

Sinapian kaya ng masamang espiritu 'tong dalawa kaya bumait?

Napatingin ako kay Shades ng akbayan niya ko. "Tara na" sabi niya at ngumiti naman ako at tumango. Kaming dalawa ang huling lumabas sa training room.

Ipinaghanda kami nila manang ng masasarap na pagkain kaya naman ang dami naming nakain. Tapos maya maya lang...

*kring... kring... kring*

Nagkatinginan kaming lahat at tiningnan kung kaninong phone ang nag-ring. Nagulat nalang ako nang tumayo si insan at nagpaalam para sagutin ang phone niya. "Sino kaya ang tumawag?" 'Yan ang nasa isip naming lahat.

Pagbalik niya, ang laki ng ngiti niya. Tapos na kaming kumain kaya naman lumapit kami sa kaniya para mangalap ng chismis.

"Mukhang ang saya mo ah!" - James

"Oo nga, sino ba yung tumawag?" Tanong ko naman. Gano'n din ang naging reaksyon ng iba.

Nagkamot naman siya ng ulo at ngumiti bago magsalita. "Si Daddy 'yon"

"Eh bakit ganyan kalaki ang ngiti mo?" Tanong naman ni Christian.

"Ah, sabi niya kasi dapat manonood sila sa cine ng mga kaibigan niya. Kaya lang biglang may emergency sa trabaho nila kaya ibibigay nalang niya sakin yung anim na tickets niya. O ano sama ba kayo? Ililibre ko yung anim sa inyo"

The Only Girl in Boys Campus 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon