Bandang alas kwatro ng madaling araw, sa isang pribadong silid sa himpilan ng Pulisya sa Baranggay Kamingawan nakaharap si Inspektor Lino sa testigong si Api. Nakatingin sa kawalan, buhaghag ang buhok at tulala dahil sa trahedyang naranasan nito.
"Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano bang nangyari sa bakasyon ninyo na inyong idinaos doon sa bahay bakasyunan mo at nauwi sa ganitong karumaldumal na krimen?" Tanong ng Inspektor kay Api.
Doon naman bumalik sa realidad ang pag-iisip ni Api at habang sinasalaysay niya ito, hindi niya mapigilang isariwa sa isip ang mga nangyari.Ang nakaraan………
Masayang nagkakamustahan ang magkakabarkada ng magkita kita sila sa pyer. Sasakay sila ng isang pribadong bangka na siyang magdadala sa kanila sa Isla Himik kung saan nakatayo ang bahay bakasyunan nina Api. Maglalagi sila doon ng isang linggo para sulitin ang kanilang baksyon.
"Sabik na talaga akong makapunta sa isla ninyo Api". Masayang sabi ni Mabi kabarkada niyang babae na labing walong taong gulang at mula sa mayamang pamilya. Tanging mabait at matalik na kaibigan ni Api.
"Siguraduhin niya lang na maganda at masisiyahan ako doon kundi uuwi nalang ako.", mataray na sabad naman ni Dita sa dalawang nag-uusap. Galing rin siya sa mayamang pamilya at ang pinakamataray sa kanilang magkakabarkada.
"Oh! Kalma lang diyan Dita, malalaman lang natin iyan kapag nakarating na tayo doon", pampakalmang sabi naman ni Pil. Lalaking barkada ni Api at medyo may pagkapilyo. Mula rin sa mayamang pamilya.
"Oh hayan na yung bangka! Tara na! Woooh!", sigaw ni Tope sa mga kabarkada. Torpe, maginoo at may gusto kay Api. Mula rin sa mayamang pamilya.
Matiwasay silang nakarating sa isla at namamangha sa kagandahan nito.
"Tuloy kayo", masayang paanyaya ni Api.
"Wow! Sulit na sulit magbakasyon dito ang tahimik at malayo sa kabihasnan" bulalas ni Mabi sa kaibigan.Biglang sulpot naman ni Mang Toro na ikinagulat ng magkakaibigan.
"Oh Api nandito na pala kayo. Tamang tama tapos na akong makahanda ng inyong meryenda. Oh! halina kayo", masayang sabi ni Mang Toro.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagmamatyag sa kanila mula pa ng sila'y makaapak sa isla.
Matapos makapagmeryenda ay nagpasyang maglibot libot ang magkakaibigan. Kumukuha ng mga larawan at tanawing kanilang maibigan.
Nagpasya na silang umuwi sa bahay bakasyunan ng makaramdam na ng pagod at maagang matulog para maghanda sa kanilang gagawin habang nasa isla pa sila.
Habang mahimbing na natutulog ang lahat, may isa namang nilalang ang nagpaplano kung ano ang gagawin sa magkakaibigang na siyang dahilan kung bakit miserable ang kanyang buhay.
"Magpakasaya kayo hanggang kaya niyo pa", sa isip na wika ng misteryosong tao na mababakasan ang matinding poot sa mga mata at may nakapaskil na mapanganib na ngiti sa mga labi.
A/n
Don't forget to Vote and leave a comment
~zeicky~
BINABASA MO ANG
Salarin (One-shot story)
Mystery / ThrillerBeware of your own darkness and past. One-shot mystery story. ⚠️Read at your own risk⚠️ A/n Good to be back in Wattpad world😊. Sorry for the errors 😅😘