Umaga palang nakabangon na ang magkakaibigan. Nagtutulungan sila sa paghahanda para sa kanilang salo-salo at pagdiriwang sa kanilang katatapos lamang na pag-aaral.
" Dita, pakiabot naman niyang suka diyan sa taas ng tokador. 'Yung nasa bote" sigaw na pakiusap ni Api habang naghihiwa ng karne.
"Hay naku, anong klaseng suka naman ito kakaiba ha" naguguluhang sabi ni Dita habang sinisipat ang nasabing bote.
"Oh, ano yan Dita?" tanong ni Tope habang pasan-pasan ang mga kahoy na panggatong.
"Ewan ko! Suka daw sabi ni Api" nakabusangot na tugon ni Dita dahil hindi siya hilig na inuutusan.
Inihanda na ng mga lalaki ang lamesa sa likod-bahay at ang mga babae naman ang naglatag ng mga pagkain sa mesa.
"Ngayon nagpapasalamat ako dahil sa oportunidad na binigay niyo na dito tayo magbakasyon" panimula ni Api.
"Kahit na una palang alam kong hindi ako kabilang sa grupong ito" naiiyak na pagpapatuloy niya.
"'Wag mong sabihin iyan dahil kaibigan at tangggap ka namin" kontra naman ni Mabi sa kanya.
"Pero alam ko na hindi niyo ako kakaibiganin kung naging isang mahirap ako di ba?" halos pabulong na sabi ni Api.
Natahimik ang lahat sa itinuran ni Api.
"Hay nako, kung saan pa kakain na doon pa kayo nagdrama" mataray na wika ni Dita.
"Oo nga, mamaya niyo na ngang pag-usapan iyan. Huwag tayong mag-away away sa harap ng hapag-kainan." suway ni Tope sa mga kabarkada.
"Kainan nah!" masiglang sigaw ni Pil.
Pansamantalang nawaglit sa kanilang isipan ang nangyari kani kanina lamang.
Pagkagabing iyon ay gumawa sila ng isang siga sa dalampasigan. Napagpasyahan nila na habang nagiihaw sila ng hotdog at marshmallow ay maglalaro sila ng truth or dare.
"Ngayon ibang bersiyon ito ng truth or dare dahil wala tayong boteng gagamitin." panimula na sabi ni Pil.
"Sa akin magsisimula at magtatapos kay Api" patuloy niya. Nakaikot silang magkakaibigan sa siga para hindi sila masyadong ginawin. Si Pil, sunod si Dita, pangatlo si Mabi, pang-apat naman ay si Tope at panghuli ay si Api.
Masaya silang naglalaro habang naghihintay lamang ng tiyempo ang misteryosong tao upang maisagawa ang kanyang maitim na plano."Teka ubos na pala yung mga inumin natin, kukuha na lang muna ako sa loob" boluntaryong wika ni Pil.
"Ito na ang hinihintay ko. Iisa isahin ko kayo" galit na wika sa sarili ng taong nakakubli sa dilim.
Wala namang kamalay malay si Pil na ito na ang kaniyang huling araw. Habang kumukuha ng mga inumin sa refrigerator ay bigla nalamang may sumaksak sa kanya. Hindi na siya nakasigaw pa at agad na nalagutan ng hininga.
"Dapat lang sayo 'yan dahil isa kang manloloko dahil sa pambubully mo noon kailangan ko pang baguhin ang sarili ko para lang matanggap niyo." matigas na wika ng salarin.
A/n
Don't forget to Vote and leave a comment.😊
~zeicky~
BINABASA MO ANG
Salarin (One-shot story)
Misterio / SuspensoBeware of your own darkness and past. One-shot mystery story. ⚠️Read at your own risk⚠️ A/n Good to be back in Wattpad world😊. Sorry for the errors 😅😘