Kabanata 5

2 0 0
                                    

Matapos isalaysay ni Api kay Inspektor Lino ang lahat ay panandaliang natahimik ang matalinong binata. Kapani-paniwala ang mga salaysay nito ngunit may bumabagabag parin sa isip ng binata.

Matapos mapakinggan ang lahat, ay nagpasya ang inspektor na magimbestiga pa ng malalim sa kasong ito. Umalis siya sa himpilan ng pulisya kung saan itinago pansamantala ang testigo para sa proteksyon at paggaling nito.

Habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ay hindi mapigilan ng binata na hindi pansinin ang hindi pagbanggit ni Api kung sino ang salarin. Kaya naman napagpasyahan niyang puntahan ang nasabing bahay bakasyunan.

Kinabukasan, maaga pang nakaganyak ang binata upang dumaan muna sa himpilan upang kumustahin ang kalagayan ng dalaga.

Pagkarating niya sa Isla ay namangha din siya sa ganda nito. Nakapasok siya sa bahay ng walang kahirap hirap dahil kaakibat ng pagiging isang imbestigador ay dapat ring mahusay sa iba't ibang bagay kagaya na lang ng pagbubukas ng pinto kahit walang susing ginagamit.

Malinis na ang bahay at wala na dito ang mga bangkay dahil pinuntahan na ito ng mga pulisya matapos marekober ang mga bangkay at si Api.

Pinuntahan niya ang kusina kung saan nagluto ang magkakabarkada. Paalis na sana siya ng may mahagip ang mala agila niyang mata sa isang sulok ng tokador. Namataan niya ang isang bote kung saan naalala pa niyang ito ay suka na inihalo sa mga lutuin. Tiningnan niya itong mabuti at inamoy, ganoon nalang ang pagkabigla niya ng pamilyar sa kanyang pang-amoy ang likidong ito. Isa itong klase ng lason na eepekto pa saloob ng ilang oras.

Dali-dali niyang hinanap ang kwarto kung saan ayon sa testigo ay may nakita itong naaagnas ng bangkay. Hinalughog niya ang bawat parte ng kwarto ngunit wala siyang mahanap pa na pwedeng magbigay ng palatandaan kung saan ito ang magtuturo kung sino ang salarin. Sa sobrang inis niya sinuntok niya ang dingding ngunit nabigla siya ng malamang nabitak ito. Kung titingnan para lang itong ordinaryong dingding pero isa rin pala itong maliit na kwarto. Nang makita niya ang nasaloob, napukaw ang interes niya sa isang litrato. May dalawang babaeng magkamukha at ng tingnan niya ang nasa likod nito ay nalaman na niya kung ano ang totoo.

A/n

Don't forget to Vote and leave a comment. 😊

~zeicky~

Salarin (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon