Sa kabilang dako naman ay magkasamang nagtatago sina Mabi at Api.
"Api, saan ka ba galing? Natatakot na akong mag-isa" tanong ni Mabi.
"Diyan lang naghahanap ng pang-ilaw natin sa dilim" nahahapong saad ni Api sa kaibigan habang pinapakita dito ang flashlight.
Napagpasyahan nilang lumabas ng kwarto para hanapin ang dalawang kaibigan. Habang naglalakad sila ay may nakita silang anino ng tao na may dala dalang kutsilyo.
Sa sobrang kaba ay kumaripas sila ng takbo habang lumilingon sa kanilang likuran kung sinundan ba sila ng taong iyon. Nagkabungguan pa silang tatlo ng papaliko na sila sa isang pasilyo at agad-agad na pumasok sa isang kwartong namataan nila sa bandang sulok na lugar.
Nalilito sila kung kaninong kwarto iyon at impit na napasigaw si Mabi ng may makitang naaagnas nang bangkay na nakaupo sa isang silya. Maagap namang natakpan ni Tope ang bibig ni Mabi upang hindi sila marinig ng salarin buhat sa labas ng silid.
"Sino ang tao na ito?" bulong na tanong ni Tope sa natutulalang si Api.
"H..indi k.ko a..alam" nauutal utal na sagot ni Api.
"Ngayon ko lang din nalaman na may isa pa palang kwarto dito" patuloy niya.
Habang ang atensyon nila ay nasa bangkay parin, hindi nila namalayang may sekreto palang lagusan doon kung saan dumaan papasok ang salarin.
"Hindi na talaga maganda ang mga nangyayari. Kaila-" naputol ang sasabihin ni Tope na ikinalingon ng dalawang babae. Ngunit ganoon nalang ang takot nila ng may lumalabas ng dugo mula sa nasaksak na tiyan ng binata, napasuka ito at agad na natumba sa sahig ng nakadilat pa ang mga mata.
Tatakbo na sana sila palabas ngunit nakaramdam na lamang sila ng pananakit sa ulo buhat sa malakas na pagkakahampas at agad na nawalan ng malay.
"Bagay lang sa inyo iyan lalo kana Mabi. Akala mo kung sinong mahinhin, nasa loob naman pala ang kulo. Ahas ka. Inagaw mo sa akin si Tope kaya mabuti pang magsama na lang kayo sa kabilang buhay. Hahahahahaha!" nababaliw na wika ng salarin.
Iyon nalamang ang huling narinig ni Api bago siya panawan ng ulirat. Akala ng salarin ay patay na ito dahil sa malakas na pagkakahampas niya rito ngunit himalang nagising pa siya mula sa pagka-comatose sa loob ng tatlong buwan.
A/n
Don't forget to Vote and leave a comment. 😊
~zeicky~
BINABASA MO ANG
Salarin (One-shot story)
Gizem / GerilimBeware of your own darkness and past. One-shot mystery story. ⚠️Read at your own risk⚠️ A/n Good to be back in Wattpad world😊. Sorry for the errors 😅😘