Wakas

4 1 0
                                    

Pagkauwi ng binata mula sa Isla ay tumuloy agad siya sa himpilan. Pinuntahan niya agad si Api at pagdating doon kanya itong kinompronta.

"Hindi mo ba talaga kilala ang bangkay sa kwartong iyon?" tanong ng binatang inspektor sa dalaga.

May dumaang lungkot sa mga mata ng dalaga na hindi nakalampas sa paningin ng inspektor ngunit agad din nawala iyon.

"Hindi po talaga" nakaiwas ang matang sagot ng dalaga.

"Ito, may alam ka ba kung sino ang mga ito?" tanong ulit ng binata habang pinapakita ang larawang mula pa sa bahay bakasyunan.

Agad na namutla si Api ng makita ang litrato.

"Hindi ba't ikaw ang isang bata na ito? Kung gayon kilala mo kung sino talaga ito Api? O Yna?" Matiim na tanong ni Lino.

Napaiyak nalang ang dalaga sapagkat bistado na siya ng binata. Hindi siya si Api dahil siya si Yna at sila'y magkakambal.

"Bakit mo ginawa ito Yna? Ano bang kasalanan nila sa iyo?" malumanay na tanong ng binata.

"Ginawa ko iyon para ipaghiganti ang kakambal ko. Dahil sa kanila namatay siya sa sobrang depresyon at hinding hindi ko sila mapapatawad!" umiiyak nang wika ni Yna.

"Kung may kasalanan man ang isang tao sa iyo. Huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang batas. Oo, naipaghiganti mo ang kakambal mo pero ang tanong masaya ba siya sa ginawa mo? O naging masaya ka ba matapos mong makapaghiganti?" saad ng binata.

Natahimik si Yna sa tinuran ng binata. Habang nagmumuni-muni, may ibinigay na isang papel ang inspektor kay Yna. Tahimik na lamang na napaluha si Yna nang mabasa ang sulat na galing sa kanyang kakambal kung ano ba talaga ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Isinalaysay niya na hindi ito namatay sa depresyon sapagkat kusa itong nagpakamatay kaya walang kasalanan ang magkakabarkada sa kaniya. Sising-sisi man ay huli na ang lahat. Pinatay niya ang mga ito sa pamamagitan ng lason at ang kanyang mga kwento ay pawang kasinungalingan lamang.

Kaya siya na comatose dahil sa pag-aaway nila ni Mabi habang unti unting umiipekto dito ang lason ay nagawa pa siyang hambalusin nito bago binawian ng buhay.

Habang buhay na dadalhin niya ang bigat ng konsensya sa loob ng bilangguan. Sa paglipas ng panahon, tuluyan na siyang nabaliw dahil gabi-gabi nalang siyang nananaginip sa mga taong pinaslang niya ng wala namang kasalanan sa kanya.

A/n

Don't forget to Vote and leave a comment.😊😊😊😊

Thanks for reading this story.

Kamsahamnida 😊❤️

Salarin (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon