Lumipas ang ilang minuto at hindi parin nakakabalik si Pil kaya nagpasya silang puntahan ito. Ngunit ganoon nalang ang kanilang panghihilakbot ng matagpuan itong patay na.
Gulong-gulo na sila kung sino ang may pakana nito.
"Api, nasaan na si Mang Toro?" nagtatakang tanong ni Tope nang mapansing kanina pang umaga hindi nila nakita ang katiwala.
"Maaga siyang umalis para puntahan ang kanyang asawang nakaratay sa hospital" tugon ni Api.
"Pero bukod sa kaniya at sa atin, sino pa ang ibang tao rito na kayang gawin ang ganito ka brutal na bagay?" nagdududang sabi ni Tope.
"Hindi ko alam dahil matagal na akong hindi nakakapunta dito." sabi naman ni Api.
"Kailangan na nating tumawag ng pulis!" nahihintakotang saad ni Dita habang pumipindot pindot sa kanyang aparato.
"Walang signal dito!" pigil ni Api sa kanya.
"Ano? Paano na tayo dito? Bakit hindi mo sinabi agad? Wala pa namang bangka na pwede nating masakyan papuntang kabilang bayan" nanlulumong sabi naman ni Mabi.
Habang nag- iisip ng paraan para makatawag ng tulong ay bigla na lamang nawalan ng kuryente ang buong bahay. Sa sobrang kaba ay nagkahiwa- hiwalay silang magkakaibigan.
Magkasamang tumakbo si Tope at Dita habang magkasama namang pumasok sa isang silid sina Api at Mabi.
Habang tumatakbo ay hindi namalayan ni Dita na nahuhuli na siya at hindi na naabutan si Tope. Palinga-linga siya upang tingnan kung nandiyan ba si Tope o ang iba pang kaibigan niya.
"Tope? Api? Mabi? Nasaan na kayo? 'Wag niyo naman akong iwan oh!" naiiyak na sigaw ni Dita.
Habang naglalakad may nakita siyang tao na nakatalikod sa kanya ngunit hindi niya masyadong maaninag dahil sa kadiliman ng lugar.
" Hay salamat may makakasama narin ako" napabuga nang hangin si Dita habang humahakbang papalapit sa taong iyon. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang may maramdaman siyang hapdi sa leeg niya. Kinapa niya ito at inaninag kung ano ang malapot na bagay na iyon at hindi na siya nakagalaw pa ng malamang ginilitan siya sa leeg ng salarin.
Sa tulong ng liwag ng buwan na tumatagos sa siwang ng haligi, nakilala niya ang may-sala ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataong balaan ang mga kaibigan sa taong iyon nang malagutan siya ng hininga.
"Bakit?" mahinang tanong ni Dita bago tuluyang bawian ng buhay.
"Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo sa akin. Pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao kaya nararapat lang na mamatay ang tulad mong makasalanan" galit na wika ng salarin bago iwang nakahandusay ang bangkay.
Tamang-tama rin ng umalis ang suspek ay natagpuan ni Tope ang malamig nang bangkay ni Dita. Nang malaman niyang wala na ito sa kaniyang likuran, bumalik siya upang hanapin ito ngunit huli na siya. Patay na ang isa na naman niyang kaibigan ng hindi nalalaman kung sino ang may kagagawan nito.
A/n
Don't forget to Vote and leave a comment.😊~zeicky~
BINABASA MO ANG
Salarin (One-shot story)
Mystery / ThrillerBeware of your own darkness and past. One-shot mystery story. ⚠️Read at your own risk⚠️ A/n Good to be back in Wattpad world😊. Sorry for the errors 😅😘