Natasha Jane Mystic:
They say that my name brought fear to the nation.
That my features were describe as heavenly like creature but my soul was cruel like a tormented hell.
Everytime I committed crimes, running away has been the only option I could do and choose. I hide in the darkness and sneak back to kill again, to ruin ones life again.
How come a woman like me can bring fear to the nation if I were more afraid to them?
"Natasha, oy! Ipatira mo naman kami ng billiards," reklamo ni Felix. May naka-ipit pang sigarilyo sa kanyang mga labi. Yung mga mata niya halos sakupin ng umiitim at nagsisilakihan niyang eyebags. Para siyang bangkay sa kapayatan niyang 'yan. He's really a tall thin guy. Konti na lang ay pwede na siyang mabali if ever masipa ng mga barakong lalaki.
Di ko naman siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagtira ko ng bola. Tatlo na lang at pwede na akong manalo.
"Kung ako sa'yo Felix iwanan na lang natin si Natasha rito," singit naman ni Gabby sa gilid. Pasayaw-sayaw pa ito sa musika na pinapatugtog sa loob ng bilyaran. Mataba si Gabby. Halos pumutok na nga ang polo na suot-suot niya kaya't nagttshirt pa siya ng pangloob.
Inirapan ko na lamang sila bago ko tinamaan ang panghuling bola. At sapol! Nahulog ito sa butas. I then faced them. "Aminin niyo lang na pikon kayo. Okay lang 'yan," sabi ko sabay hikab.
"Ewan," ani Felix. Naglakad na ito patungo sa counter kung saan kami magbabayad ng fee.
Doon rin nilalagay muna ang aming school I.D. Bawal kasi ang pagpunta namin rito kaya kailangan namin muna isurrender sa nagbabantay. Walang kwenta yung protocol nila sa bilyaran kaya ang hirap mag-explain. Sinundan na lamang namin ni Gabby si Felix.
"Unang araw ng pasukan tas dito pa tayo unang tatambay," bored na sabi ni Felix. Siya na ang nagbayad sa counter at nagsulat ng pangalan namin sa log book.
"Ewan ko ba. Sino ba ang nag-imbita sa ating tatlo rito?" reply ko sa kaibigan. Napakrus pa ako ng braso saka tinignan siya na parang nawiweirdan ako sa kanya.
"Ikaw. Tangina mo," sagot naman ni Gabby na nasa tabi ko.
Natawa naman ako ng mahina. "Ano ba, Gabby? Eh pumayag naman kayo. 'Wag na kayo magalit sa akin. Okay lang talaga matalo." Hinampas ko ng malakas ang mga balikat nila bago ko sila inakbayan.
Napa-tsk na lang ang dalawa sa sinabi ko. Nang sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, bigla na lang may tumunog na bell. It was that moment na narealize namin na kailangan na namin pumunta sa school na ilang metro lang ang lapit rito. Nilahad na ng tagabantay ang aming school I.D.'s. Agad ko naman kinuha ito, including ang I.D. nina Gabby at Felix.
"Tangina mo, Natasha!" sigaw ni Felix nang marealize nito ang ginagawa ko.
My name is Natasha Jane Mystic. I'm already eighteen years old. I was born on January 17. I am an only child. My favorite color is black. People always tell that I have the beauty yet my brain outshine it most of the time. Mas nakikita ang talino ko and excellence sa academic. Some says I am perfect. Little do they know I am naughty and bad in the inside.
And I think I have the privilege to run whenever I'm in trouble. I can run from my problems... from my mistakes... whenever I want to 'cause to be honest I don't care. And I have never ever experience to face the consequences 'cause my dad have the power enough to cover it up.

BINABASA MO ANG
Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]
حركة (أكشن)Wanted criminals running in our cities. Are you willing to chase them one by one? book cover from lilxsky Date Started: March 28, 2024