I hope that sirens will turn into serenity when I wake up.
That night was like my worst nightmare. I almost lose my mind everytime flashback starts to hunts me down. I runaway alone at the middle of the night na hindi alam ang pupuntahan noon, kung saan pa ba ako lulugar at ano ang dapat gawin. I don't want to surrender. I was so afraid of what the future wants to offer me. And I'm in my legal age now, I don't want to end up in jail.
Tatlong araw na ang lumipas since nagsimula ang mga pulis na ihunt down ako. I killed their general, so I expect everything will be lethal. Mula sa mga balita na halos ako na lang ang headline at sa mga usapan na tanging pangalan ko na lang naririnig. They are tracing me. And to be honest, my crime records were increasing because of what I am doing. Nagnanakaw ako para lang mabuhay, makakain at makatulog ng maayos. Numerous of stealing so that I can live.
Kung alam niyo lang ang mga nakakatakot na gabi na pinagdaanan ko sa kalsada. I'm a woman. I was so scared baka marape ako. So I dressed up and acted like man. Sometimes if di umuubra, I pretend to be crazy or out of my mind and it was an obvious strategy of someone who is really scared to be alone. Sa totoo, hindi tuloy-tuloy ang tulog ko. I always wake up in the middle of the night just to check my situation. Sometimes 'yan ang oras ko para magnakaw. And pagka-umaga, doon na lang ako nagtatago sa mga lugar na cinoconsider kong abandona na. I stay there doing nothing. Parang may hinihintay ako na wala naman akong ideya kung ano ito. And nakakalungkot 'yon. Hindi ko lang mapaliwanag kung pano ako nasisiraan na rito sa sitwasyon na 'to.
Should I just surrender?
Bigla na lang ako bumalik sa ulirat nang makarinig nang kaluskos sa lugar kung saan ako mapayapang natutulog. Nakahiga ako sa duyan na ginawa ko kanina. Puno rin ng basura ang paligid pero wala na akong paki-alam kung ganoon. Sira-sira rin ang pader ng silid kaya madaling pasukan ng kahit kanino.
"Hija?" Boses ng matandang lalaki.
Dali-dali akong napabangon sa kinahihigaan ko at tinignan siya. Magulo pa ang aking buhok at mukhang walang tulog ang aking mga mata. Nakasuot lamang ako ng puting sleeveless na top na halos mapuno na ng matsa. Then denim pants na ninakaw ko lang nakaraan na araw.
Tinignan ako ng matandang lalaki gamit ang nagtataka niyang mga titig. "Bawal rito tumambay, hija," sabi niya sa akin. "Umalis ka na at may maglilinis rito mamaya."
Di naman ako makapagsalita. Umakto muna ako nang normal na parang hindi ako yung kriminal na pinaghahanap sa buong Turnubis. Napatayo ako mula sa duyan bago siya tinanguan. "Sige po," sabi ko rito. Napatingin ako sa sahig habang hawak-hawak ang magulo kong buhok. Hinahanap ko kasi yung sapatos ko. Mabuti na lang nandito pa.
Dali-dali ko itong sinuot bago ko kinuha ang nag-iisa kong backpack na halos paglumaan na. Napulot ko lang kasi ito sa basurahan at mabuti nga't pwede pa siyang magamit.
"Aalis na po ako, Lo," sabi ko sa matanda. Napapunas ako ng pawis sa mukha bago ko pa man talikuran siya.
"Teka, hija," aniya.
Napa-irap na lamang ako nang marinig ang tawag niya sa akin. Kung di lang talaga niya ako tinawag edi sana madali lang ang pagpapanggap ko sa kanya. Hinarap ko matandang lalaki. "Ano po?" maamong tanong ko rito.
BINABASA MO ANG
Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]
ActionWanted criminals running in our cities. Are you willing to chase them one by one? book cover from lilxsky Date Started: March 28, 2024