Chapter 3

49 3 0
                                    


Nanaginip ba ako? Or totoo ang lahat ng nangyari kanina? All the helicopters, the chasing scenes, bullets flying towards me, the blinding lights, and the men who saved me? Pakiramdam ko nasisiraan na ako ng bait.


Tahimik kong pinagmasdan yung nagpakilalang Collins habang kinukuha at sinasakay siya sa isang ambulansya. I'm so confused at the same time wondering kung bakit ang mga naka-unipormeng nurses ay hindi na nagtanong kung anong nangyari sa sugatan naming kasama. Dali-dali na lamang  nila ito binigyan ng first-aid saka pina-alam sa pinaka mantandang lalaki na kasama namin.


"Hindi daw po pwede sumabay si Sir Agile sa inyo. Kailangan daw po muna namin gamutin saka masigurado na maayos ang kalagayan niya bago bumalik sa Teen Militia," sabi nong isang nurse na nasa edad late 20's na.


Napatango na lamang ang matanda. "Sige. Sige. Basta's siguraduhin niyo lang na hindi kayo magpapahuli sa mga pulisya at sa mga kalaban," aniya bago niya talikuran ang mga 'to.


That scene was like an hour ago. Now, I'm facing on of the timid moment of my life.


Paulit-ulit na lang yung balita na naririnig ko rito aa kinakatayuan ko. Parang sirang plaka na nakakarindi na sa tenga. Nakakainis. Nakaka-asar. Nakaka-irita.


"Natasha..."


"Natasha Mystic..."


"The criminal student who had been..."


"The notorious lady..."


"Escaped."


"Escaped."


"Had escaped."


Napa-tsk na lang ako sa inis. I was hugging and saving myself from the cold. Kusang pinatay ng isa sa kasama namin ang radio na nasa tabi. The only noise na maririnig na lamang namin ngayon ay ang ulan at ang bulungan ng mga lalaking hindi ko naman kilala pero hinahayaan kong sumama ako sa kanila.


Ang lakas ng ulan.


Yung ulan na kanina pa kami dinadamayan. Yung ulan na sumalba sa amin sa kapahamakan.


Napalingon na lang ako sa kanila... sa tatlong lalaking nakamotor kanina. Kanina, apat sila, kung hindi lang natamaan ng bala ang umangkas sa akin sa motor niya. Pero yung tatlo.... nagsi-alis na ng mga helmet. Narealize ko na lang na ang isa sa kanila yung kalbong nakita ko sa kalenderya. Abala siya sa pag-aayos ng kanyang motor na halos basa dahil sa ulan. Nakasilong kaming lahat sa isang abandonang garage. I don't know, bodega ata 'to. Hindi ako nakakasigurado, magulo sa paligid namin.


May kotse kasing nakapark sa loob. Tapos ang iba mga wooden box at barrel. Habang inililibot ko ang aking mga mata sa paligid naka-eyecontact ko nang hindi inaasahan ang lalaking pumatay ng radyo. Panay iwas ko pa naman na tignan sa kanila dahil naaawkwardan at natatakot ako. Ngayon, mas lalong naging clear sa akin ang kanilang itsura dahil nagkaroon na ako ng chance para makita ang mukha nila ng maayos. Payat, kulay pink ang buhok at maputi. Mukhang maamo rin ang mukha. Halos mag kaedad lang ata kami. Mas matanda lang siya ng isang taon, I guess.

Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon