Chapter 5

25 2 0
                                    


"Nawala ka lang sa paningin ko nagkaganyan ka na?!" reklamo ni Ma'am Melinda.


Naiiyak ko naman ininom ang mainit na baso ng gatas sa harap nila habang naka-upo sa sofa. May nakabalot sa akin na makakapal na kumot. Pina-upo rin nila ako malapit sa fireplace.


Nasa tabi ko sa isang gilid ang lalaking sumalo sa akin kanina. Tahimik niya lang ako inoobserbahan. He looks puzzled sa sitwasyon ko ngayon or sadyang nawiweirduhan lang siya sa akin. Pero he was very nice kanina, na siya na nag-insist na magbuhat sa akin patungo sa sofa kanina at naghanap ng kumot para balutan ako.


Sa harap namin sina Ma'am Melinda at si Sir Martin, yung matandang lalaki na nagdrive sa akin papunta rito sa Teen Militia. They were both observing me.


"Ano na ang gagawin nito?" seryosong tanong ni Sir Martin habang nakatingin sa akin.


Di ko pa rin mapigilang manginig sa sobrang lamig na nararamdaman.


"Gusto mo bang magpahinga for a week?" concern na tanong niya sa akin habang naka krus ang braso.


Tinignan naman siya ni Ma'am Melinda ng masama. "Seriously, Martin?! Kung kailan kailangan niya maghabol ng records this school year?"


Nilingon naman siya ni Sir Martin. "She's still a human being. Kailangan niya magpahinga lalo na't kakagaling pa lang niya sa isang traumatic event. And more than that, ikaw ba naman magtago ng ilang araw sa sulok-sulokan ng Turnubis. She's not in her good shape. I bet she's hungry, drained, and tired."


Mas lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Dahil ba sa nahallucinate ko kanina? O sadyang na ooverwhelm lang ako dahil mag nag-aalala pa rin sa akin kalagayan ngayon?


Ma'am Melinda rolled her eyes showing a sign that she's invalidating my feelings.


"I don't care! Kasalanan naman niya kung bakit siya nagkakaganyan. Ikaw na mag asikaso diyan, Martin. Just bring her back to me kapag maayos na utak niyan," bulong niya sa katabi niya bago magwalkout.


Napa-awang na lang ako sa bibig sa narinig. Gusto ko man magalit, hindi ko naman magawa. Nanatili akong naka-upo sa sofa habang pinagmamasdan ang ginang na umalis sa office niya.


Nagtinginan naman si Sir Martin at ang katabi kong lalaki. Agad na inabot ng matanda kamay niya sa katabi ko. "You're Sergen, right? Welcome to Teen Militia," bati niya dito.


Pinagmasdan ko ang binata na malapit sa akin. Tall, good-looking, with ash blonde hair, and some numerous tattoos. Parang younger version lang ni Sir Martin. Cutiee.


Napatayo naman ang lalaki at agad na inabot kamay ni Sir Martin para makipag-kamay.


"Marami akong narinig about sa Teen Militia mula sa tatay ko," ani Sergen. Nakangiti pa ito habang kinaka-usap si Sir Martin.


Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon