Chapter 01.5: Good Night
“’Di rin namin makita ‘yung mga bagay na nasa testimonya mo, hija. Yes, nandun yung photoalbum na nasa ibabaw ng mesa at ilang mga dugo-dugo sa labas ng kwarto mo. But, the crumpled paper which contains certain numbers aren’t there. Pati ‘yung sentence na sinabi mo sa iyong testimonya, wala rin. Mahirap ang kaso mo, Viel. Wala masyadong ebidensiya, walang masyadong magpapatunay.”
Napaisip ako nung nasabi ‘yun ng mga imbestigador sa’kin, nagmalik-mata lang ba ako o ‘di kaya’y guni-guni ko lang ‘yun? Halos lahat daw kasi ng nasa testimonya ko ay kasinungalingan at sinabing baka ako ay gumagawa lamang ng kwento. Pero, hindi. Nangyari lahat ng iyon. Dalawang araw na ang nakalipas ng nangyari iyon at masasabi kong buhay pa sa’king isipan lahat ng nangyari, lahat ng aking naramdaman nung gabing ‘yun.
Kaya nga may psychologist ako na kakausap sa’kin tuwing weekends para na rin sa’king therapy. Pagkapunta ko kasi rito sa HYO, nakausap ko yung mga namamahala rito, they said that I will have a therapy for my mental illness. Sigurado daw kasing may trauma na ako dahil dun sa nangyari. Sabi nga rin nila, that I will be attending again classes after ng 1 month kong therapy.
“Viel, okay ka lang ba? Ikaw nalang kasi natitira rito sa labas ng HYO. Lahat na sila’y natutulog na kanilang rooms,” Isang tinig ng isang babae ang aking narinig na sa palagay kong namamahala rito sa HYO. Pagkalingon ko, nakita ko si Ate Yanna, isang babaeng nagsabing dito raw muna ako sa HYO mamalagi, na papalapit at papaupo sa’king tabi.
“Okay lang naman po pero,” sabi ko bilang sagot sa katanungan niya. Nanlumo ako ng biglang lumabas sa’king bibig ang salitang ‘pero’.
“Pero?” tanong ni Ate Yanna. Napakamot ako sa’king ulo ng tanungin niya ulit ako.
“Pero nangangamba lang po ako,” sabi ko sabay tumigin sa langit at nakita ang mga bituing nagniningning. “Nangangamba po ako na baka ako na ang susunod, na baka ako na yung susunod nilang kunin, ‘di ba? Hindi po kasi malabong mangyari ‘yun. Basta, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko,” sabi ko nang may boses na papahina.
Naramdaman ko ang isang haplos mula sa’king likod ni Ate Yanna. “Tahan na. Lalabas at lalabas rin ang katotohanan,” sabi niya. Dahil sa pagkakasabi niya nu’n, nalaman kong umaagos na pala ang mga luha ko galing sa’king mga mata. Napayuko at napatakip sa’king mukha ng ‘di ko na kinaya at humagulgol na ako ng humagulgol. Tuloy pa rin si Ate Yanna sa pagsabi ng, “tahan na”, pero wala pa ring epekto iyon sa’kin.
“Punta na tayo sa room mo, Viel,” alok niya at inalalayan niya akong tumayo. Habang inalalayan niya akong tumayo mula sa’king pagkakaupo sa hagdanan, nararamdaman ko ang estado ng aking sarili ngayon—mahina at walang lakas. Ngayon lang naman ako naging ganito, well, hindi pala. Naging ganito na pala ako nu’ng may isang tsismis na kumalat sa pamilya namin na patay na ang daddy ko dahil sa giyera, he’s a soldier and he’s one of the people who protects the whole country from dangers and conquerors kaya nga nung kumalat na nawala siya two days ago, maraming nabigla.
Maybe I’ve been weak that time but I also promised on that day that I will never ever feel again that kind of feeling. Nakakapanlumo nga lang kasi I broke my promise to myself. Naging mahina ulit ako at hindi hinarap ang problemang ito na may lakas ng loob at tapang. Hindi ko hinarap ang suliraning ito na naka-closed fists at magkalapit ang mga kilay. I am a feeble. I am a scrawny.
“Viel, ba’t ka na naman ba natutulala?” Mukhang napansin ni Ate Yanna ang mukha kong mahina at malungkot. Napatingin ako sakanya pagkarinig ko ng kanyang boses. Ibubuka ko na sana ang aking bibig ng biglang namatay yung ilaw sa inaakyatan naming hagdanan. Nagkatinginan kami ni Ate Yanna at nakita ko siyang nanlaki ang mata.
BINABASA MO ANG
The Truth about 11:11 {TO BE REVISED}
HorrorEvery wish has replacements that you'll never like. Current Cover by three3na Former Covers by alphami & haryleu