🦋Chapter 23🦋

37 7 1
                                    

Xien's POV

"Everyone, let's all welcome Dr. Crysth in our hospital." Hindi ko maialis ang titig ko sakanya. Bakit andito siya?

He didn't smile at all. Wala itong reaksiyon habang pinapakilala siya ng Director namin.

"Omoo ang gwapo ng bagong doctor ah!" Rinig kong bulong pa ni Rosen. Isang pedia si Rosen.

"Hmm...may girlfriend na kaya yan?" Sabi pa ni Neri. Neri's a surgeonists like me.

Panay bulungan pa sila pero ako ay nakikinig lang sa harapan.

"Hi everyone, I'm Crysthan and you can call me Dr.Crysth. I'm the one who's assigned in your hospital to make sure that everything is alright and a perfect care is given to the patients here." Pagpapakilala nito sa harapan. Hindi ko mawari ang nararamdaman. Napaka manly ng boses niya. It's been 3 years simula ng iwan ko ang lahat.

Hindi ko alam na naging doctor narin pala siya. I thought nurse lang?

"It's nice meeting you all here." Dagdag pa nito pero walang bakas ng reaksiyon ang mukha niya.

"Welcome to our hospital, Dr. Crysthan." Sabat pa ni Dra. Iny. Anak siya ng Director ng Hospital kaya mataas rin ang antas niya dito. "I am Dra. Iny. This is Dra. Rosen, Dra. Neri, Dr. Ken, Dr. Lany, and Dra. Xien." Pagpapakilala nito samin sa loob ng meeting room.

Prenteng prente lang akong nakaupo habang nakikinig sakanila. Hindi ako nakatingin sakanya kasi ayokong sabihin niyang hindi parin ako completely naka move on sakanya.

"This is Dra. Xien, a well-known surgeonist here." Pagpapakilala ni Dr. David sakin. Dr. David is the name of our Director.

Napangiti naman akong tumingin kay Dr. David at sakanya. I have to be professional.

Napatingin ito sakin at wala paring bahid ng anumang reaksiyon sa mukha niya.

"So, I guess Dra. Xien will be the one to tour you in our hospital since siya ang may alam sa lahat ng pasikot-sikot dito." Dagdag pa ni Dr.David na hindi ko na ikinagulat pa. Ofcourse, I was the one who's assigned to tour everyone who's new to our hospital.

"Ako na Dad." Biglang sabat naman ni Dra. Iny. Napatingin ako sakanya at nagroll eyes pa siya sakin.

Well, Iny is insecure with me. Mas malapit kasi ang loob ni Dr. David at mas may tiwala siya sakin kung ikukumpara sa anak niya.

"I have something to ask you later, Dra. Iny so no." Masama ang titig nito sakin na para bang kung nakakamatay ang tingin ay siguro patay na ako.

Natapos ang meeting at tinawag kaagad ako ni Dr.David palapit sakanila.

"Dra. Xien, I hope it's okay with you to tour our new visitor here." Nakangiting sabi pa ni Dr. David sakin and I just smiled back.

"It's no problem for me, Sir." Sir ang nakasanayan kong itawag kay Dr. David at okay lang naman daw iyon sakanya.

"Aren't you busy?" Napatingin ako bigla sakanya ng magsalita ito. Is he doing me a favor?

I smiled. "Well, I'm not busy this morning and it's part of my job to tour everyone who's new to our hospital so it's okay for me."

Nakatitig ito sakin na para bang naninibago. Umiwas kaagad ako ng tingin at tumingin kay Sir David.

"Ah sir, I think we should go." Sabi ko at tumango naman din ito.

"See you around Dr. Crysth." Paalam ni Sir David at tumango pa sakin.

I coughed and composed myself.

"Well, I think we should start now." Sabi ko at nauna ng maglakad.

Naramdaman ko itong sumunod sakin kaya hindi na ako lumingon pa.

Pumasok kami sa elevator at kung minamalas ka nga naman kami lang dalawa ang nasa loob. Nasa kabilang gilid ako habang nasa kabilang gilid din siya pero nasa likuran ko siya. Hindi kami magkatabi kasi ayoko siyang katabi. Saka I think it's better for the both of us naman.

"How are you?" Nagulat ako ng bigla itong magsalita. Hindi ako lumingon para tignan siya. I composed myself because  I want to be professional infront of him. Ayokong isipin niyang may halaga pa ang nangyari noon sa amin dahil wala na naman talaga yun para sakin.

"I'm perfectly fine. How 'bout you?" Mabuti nalang at hindi ako nagkautal utal.

"I see. Well, I'm....okay." Yun ang sagot nito. Mabuti nalang at nagbukas na ang elevator kaya hindi ko na kailangang mag isip ng kung anong sasabihin.

"This is pediatric's station. We have 5 pediatrics here which is Dra. Rosen, Dra. Mina, Dra. Faith, Dr.Oli, and Dr.Ken." pagsasabi ko habang naglalakad kami papuntang dulo.

Nang makarating na ay kumatok ako at pumasok na sa isa sa mga close na Doctor ko dito sa Hospital.

"Hey..." Bati nito at guguluhin sana yung buhok ko pero napatigil ng makita ang nasa likuran ko. Napatayo ito ng maayos at bumati pa.

"Welcome to our Hospital, Dr. Crysth." Bati nito at pasimple akong natawa nang makita kong paano ito ka formal.

"Teka lang ha, bat ka ba tumatawa ha?" Tanong nito sakin at hindi ko na tuloy napigilan ang matawa ng malakas.

"Hindi ka marunong umayos eh hahaha." Natawa pa tuloy ako nang sumimangot ito.

Nahagip ng mga mata ko ang mga mata niya kaya napatigil ako sa tawa at napaayos ng tayo.

"Anyways, Dr. Crysth this is Dr. Ken." Pagpapakilala ko dito.

Nagulat ako ng inakbayan paa ko ni Ken.

"Wag po kayo papauto dito sa babaeng to Dr. Crysth, marami na ho itong nauuto." Sabi pa ni Ken kaya binatukan ko siya sa ulo.

"Tanga! Ikaw ang maraming nauuto dito noh! Heh!" Sabi ko at lumayo pa dito nang maramdaman ang mga bigat na tingin nito sa amin.

"San ka po pala galing Dr.Crysth?" Tanong pa ni Ken. Chismoso talaga ang isang to eh.

Napatingin ako sakanya at saktong napatingin pa ito sakin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"I'm from Canada." Sabi nito kaya napatigil ako. So, dun pala siya namamalagi? Hmm...

Napaubo ako. "Sige na aalis na kami, hindi pa ako tapos magtour sakanya hahah." Pagpapaalam ko at nauna nang naglakad palayo habang tinataas ang kamay ko hudyat na aalis na.

Naglakad lang kami papuntang elevator para pumunta sa 5th floor pero nagulat ako ng bigla itong magsalita.

"It's been how many years since the last time I hear you laugh, hmm..."

"The Promise (ITGP BOOK 2)"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon