🦋Chapter 25🦋

38 6 0
                                    

Xien's POV

"May problema ba?" Yun kaagad ang lumabas sa bibig ko ng makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Napahakbang ako paatras ng lumapit kaagad ito sakin. Napatigil ako ng bigla nito akong niyakap.

Itutulak ko na sana siya pero...

"I can't lose you now, Driene. Please do me a favor." Napatingin ito sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hindi ko maialis sa kanya ang mga mata ko. Puno iyon ng pag-aalala at pag-iingat. "Do not ever stay away from me. Kahit anong mangyari wag ka nang lumayo pa sa akin at hindi na ako lalayo pa sayo." Napapikit ako ng maramdaman ang labi nito sa labi ko.

Napalunok ako. Mahal ko pa ba talaga tong lalaking to? Ganoon ko ba siya kamahal na kahit anong nagawa niyang mali noon ay hindi ko parin kayang itago ang totoong nararamdaman ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

"I love you Driene. Always and forever." Sabi pa nito habang magkadikit ang noo naming dalawa.

Napapikit ako at dinama ang sarili ko kung gusto ko nga ba ang mga nangyayari.

"I'll explain to you everything even tho you don't want to know everything. That's how much I love you babyy...."dagdag pa nito at hindi ko na napigilan ang sarili.

I cupped his face and kissed him. He kissed me back and that made me happy.

Ang lakas yata ng tama namin sa isa't isa kasi kahit anong masamang nangyari between us ay mahal parin talaga namin ang isa't isa.

Pero nabalik ako sa realidad. Kahit anong pagmamahal namin sa isa't isa ay ayaw parin ng mundo na magkasama kaming dalawa.

Umatras ako. Hinawi ko ang mga kamay niya na hawak hawak ako.

"Babyy...."

Hahakbang pa sana ito pero umatras kaagad ako.

"P-please... Please umalis ka nalang..." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Pero mahal kita Driene at alam kong alam mo yun." Umiling ako.

"Mahal rin kita, Crysthan. Mahal na mahal pero ang sabi nga ng iba napapagod lang din ang mga nagmamahal. At pagod na ako Crysthan. Pagod na akong masaktan pa. Sana maintindihan mo na hindi ko na kaya ang mapalapit pa sa iyo. Hindi sapat na mahal natin ang isa't isa dahil kahit ano mang pagmamahal yan, ayaw parin ng mundo na maging tayo, Crysthan."

"Wala akong pakialam!"

"Pero ako meron!?!"

Nakita ko ang pagkagulat nito ng sumigaw ako. Mabuti nalang at soundproof tong office ko kaya okay lang.

"May pakialam ako dahil ako yung iniwan mo!"

Umiling ako. "Hindi mo alam ang pakiramdam ng iniwan nang hindi man lang alam kung bakit sa lahat ng pwedeng gawin ay mas pinili mong iwan ako!"

Napatingin ako sakanya at nakita ko itong umiwas ng tingin.

"Everything back there was perfectly fine. I gave you my precious one because I wouldn't want to lose you yet you left me with just a reason na mahal mo ko. Tangina! Asan ang pagmamahal dun, ha?"

"I have to leave you alone to protect you...."

Umiling ulit ako. "Hindi ka umalis para protektahan ako. Umalis ka dahil gusto mong protektahan ang sarili mo. You were afraid to lose me so you left so that you won't be the one to be left alone. Takot kang maiwan mag-isa, Crysthan dahil lahat ng mahal mo iniwan ka na."

Huli na ng marinig ko ang sinabi ko. Hindi ko na kaya pang bawiin iyon. Napaiwas ako ng tingin ng makita ang sakit na dumaan sa mga mata nito.

"Takot kang maiwan mag-isa kaya mas pinili mong iwan ako. Bakit? Kasi alam mong kahit anong mangyari ikaw parin ang pipiliin ko? Kasi tangina crysthan, hindi na ako ang babaeng yun. Hindi na ako yun..."

Madali pa sa alas kuwatro akong naglakad palabas ng office ko. Hindi ko na kaya at baka magbreakdown pa ako sa harap niya.

I'm sorry Crysthan pero in order to protect myself from you, I have to hurt you to get rid of you.

Umuwi ako ng condo ko at ibinabad ang katawan sa loob ng bath tub. I want to relax. Ayokong isipin siya pero tangina hindi mawala sa isipan ko yung mga mata niya kanina.

Kung hindi lang ako tinawagan ni Ken ay baka nakalimutan kong may inuman pala kami ngayon.

I just wore a simple black shorts and a red hoodie. Dala ko lang ang wallet at phone ko saka ako sumakay ng elevator pababa sa 4th floor since doon nakadestino ang condo ni Ken.

Umupo ako sa sofa at kumuha ng maiinom. Ako, si Ken, si Lany, si Rosen at si Neri langa ang nandito.

"Yow, bat ngayon ka lang?" Tanong pa ni Ken sakin ng uminom kaagad ako.

"May dinaanan lang." Pagsisinungaling ko.

Hindi naman nila kailangang malaman ang totoong rason diba?

"Alam mo? Ang gwapo talaga ni Dr. Crysth eh no?" Biglang sabi ni Rosen kaya napaubo kaagad ako.

Napatingin tuloy sila sa akin.

"Okay ka lang, Xien?" Tanong pa ni Lany sakin.

"Diba Xien? Gwapo naman yung bagong doktor diba?" Tanong pa ni Rosen sakin.

Umiwas ako ng tingin. Gwapo naman talaga siya.

"Yeah..." Walang gana kong sagot at tumungga na ng maiinom ko.

"Oh ano naman kung gwapo siya? Mas gwapo parin ako no!" Hirit naman ni Ken kaya natawa kami.

"Tangina, bat kayo natatawa?" Tumingin ito sakin. "Bakit pati ikaw tumatawa, Xien?" Pagmamaktol pa nito.

"Tsk."

"Nahihiya kami sayo sa totoo lang hahaha." Hirit pa ni Neri at natawa ulit kami.

"Hoy ikaw nakakarami ka na ah! Baka nga crush mo pa ako eh!" Sabi pa ni Ken at natawa pa ako ng makitang namula si Neri. Yes may pagtingin si Neri kay Ken pero talagang manhid tong si Ken at ayaw makitang may pagnanasa si Neri sakanya.

"Eww!!!" Sabi pa ni Neri para itago ang nararamdaman niya.

"Tangina." Sabat pa ni Lany at natawa ulit kami. "Baka may new couple na ah! Hmm... Neken couple." Sabi pa nito at natawa kami sa binansag nitong pangalan ng dalawa.

"Yuck!" Sabay sabi ng dalawa kaya natawa ulit kaming tatlo nila Rosen at Lany.

"Ayiee may tinatagong feelings!!!" Pambubuyo pa ni Rosen at sinamaan naman siya ng tingin ni Neri.

"Kay Xien langa ako no!" Biglaang hirit naman ni Ken at natawa naman din ako. Pero napatigil din ako nang maramdamang ang seryoso nila.

Bakit?

Napatingin ako kay Neri na umiwas ng tingin sakin.

"Wag kang tumawa, totoo yun." Nang dahil sa sinabi ni Ken ay napasinghap ako.

Tangina!

"The Promise (ITGP BOOK 2)"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon