•••
Nauna na ako sa kanila dahil alam ko na mag bibilihan na naman sila 20 pesos lang baon ko, buong mag hapon payon, kaya nanghihinayang akong bumili ang mamahal kasi ng paninda dito samin.
Pag pasok ko ng gate narinig ko na agad ang pagkanta ng lupang hinirang. Ito na nga sinasabi ko eh late na ako.
Huminto ako para patapusin ang kanta hindi lang naman ako yung late madami dami din naman ng kunti, nang matapos ang ay naglakad na ako sa pila namin nakita ko agad si Judy Ann kaya tumabi na ako sa kanya.
"Late kana, asan yung iba?" Tanong ni Judy Ann
"Nasa labas pa nabili" sagot ko sakanya.
"Hinahanap ka kanina ni Lee ah."
"Bakit daw?"
"Ewan baka mang hihiram ng phone." Ano bayan hiram na naman pasalamat sya pogi sya.
"Ah , wala eh pina charge ko palang kanina baka mamayang tanghali ko pa makuha 10 pesos din pala ang bayad ang mahal huh." walang signal dito sa amin meron kaso sa may bundok pa aakyat kapa sa tuktuk, wala ding kuryente pero may solar naman yun ang ginagamit ng karamihan sa amin sa gabi naman generator ilan ba ang may generator sa baryo namin ahm? tatlong bahay lang pala meron at mayayaman lang ang meron nun kami solar lang poor kasi kami.
"Bat kasi hindi ka dun mag pa charge sa bahay nila tatay mo siguro saglit lang yan doon."
Kala tatay?
"Wag na lalayo pa ba ako eh meron naman na dito sa malapit." naging kaibigan ko siguro si Judy Ann kasi kapit bahay sya nila tatay pag na punta ako sa ibayo sya lagi ang kasama ko doon. Hindi kasi ako dun naka tira kundi sa mga tita ko.
"Wala naman bayad."
"Hindi ko ikaka lugi yun Judy Ann." Kilala kasi nila ako na hindi magastusing tao matipid daw pero pag ako bumili ubos ang pinag ipunan ko nang isang taon mabilis lang sa kamay ko ang pera.
"Masyado ka naman nag papayaman haha"
"Hindi ako yayaman nang ganon lang ano kaba."
"Ay Ewan sayo ah nasaan nga pala sila Angelica?."
"Andon sa tindahan nag papakasarap sa pag kain, pagalitan sana sila ni sir Mamaya."
"Ah hahaha, tara nga mag bunot nang damo para maka pasok na tayo."
Malawak lawak din naman ang school namin may mga taniman kami sa harapan sa likod naman ay bukid kaya sariwa ang hangin at masarap sa paki ramdam dina kailangan ng electric fan
"Kumasta naman sa ibayo?"
"Ayun nag away na naman si Bilog at si Sansi Lenny pano naman si Sansi Lenny laging pinapaburan si bilog di ngayon sya ang sinasagot sagot "
"Nandun ba si tatay nang mang-yari yun?"
"Wala dyan ang tatay mo nasa kaingin nag gagapas sa mga tanim at matataas na daw ang damo baka mamatay ang luya."
"Ah hayaan mo nalang sila someday babait din yang si Bilog."
" I'm looking forward for it "
"Woooaahh "
"English hahaha." Sabay naming ulit sa sinabi nya hahaha sira ulo talaga.
Si Mama Lenny pangalawang asawa ni tatay si Bilog ang una nilang anak.
"Bat kasi hindi kana lang doon tumira malaki naman ang bahay nyo maganda pa."
"Mas maganda bahay namin nila tita may Terri's pa yun simintado mahalaman, mapuno pa sa paligid "