•••
"Mag tigil kayo."
"Hahaha dika na mabiro eh" Beone
"Biruin nyu na ang lahat wag lang ako."
"Ano ka lasing ? Hahaha."Syndie
"Lasing sa pag ibig hahaha!" Annie
Okey wala na, nasakin na naman ang usapan ang kukulit nila hanggang pa punta sa baba ay ako padin ang usapan nila kaya nang makarating kami at makita nila si Aeron sa tindahan ay nag iritan na sila habang naka tingin sakin.
Sa simula ng laro babae lalaki ang mag kakahawak dapat kong babae ka dalawang lalaki ang naka hawak sa kamay mo at kung lalaki ka naman dalawa din tigkabilaan, simple lang laro lahat kayo naka bilog maliban sa dalawang taya ang dalawa na yon ang tatakbo paikot at syempre kayo din ay na ikot, ang taya ang pipili nang pagitan na mag kahawak ng kamay pag tinaga nila ang pagitan na yon ibig sabihin kayo ang hinahamon nila mag kasalungat naman na direction ang tatakbuhan nyo paikot sa lahat, yung space na natanggalan yun ang pag uunahan nyo ng pwesto.
Nasa kabila ko si kuya Imok sa kabila ko naman si Aaron at sa kabila naman ni Aaron ay si Myra iba sana ang kahawak kamay ko kanina si Bimboo sana kaso hinila nila ako sa tabi ni Aaron nahiya tuloy ako na hawakan ang kamay niya sakin.
Pero ang luko naka ngite lang tuwang na nanunuud sa iba, nagulat ako nang may tumaga sa kabila kong kamay nahila na ako ni kuya imok sa pagtakbo bago ko pa napansin hindi pa ako makaayos nang takbo dahil na bigla ako sasubrang bilis niya matangkad pa halos lumutang na ako hinila nya talaga ng tudo hindi ko na maramdaman yung paa ko sa lupa, but sad to say na una padin sila samin.
"Akira naman kunting bilis" Inis niyang Sabi sakin."Oo na, ang piliin mo kasi yung mabagal."Siya kasi ang pipili nang tatagain ng matapat kami kila Beone ay natawa nalang ako pano chubby diba si Beone di mabagal nga tumakbo sira ulo talaga ang pinsan ko hahaha.
Lakad takbo lang ang ginawa namin ni kuya imok at naagaw na namin ang pwesto nila walang kahirap hirap, naririnig ko pa ang sisihan nila na dalawa mabunganga kasi si Beone.
Halos pahating gabi na kami pero di padin na tatapos ang laro Simula kanina hindi na kami nag kahawak nang kamay ni earon nag palipat lipat nadin sya ng partner, nagulat ako nang kalabitin ako ni Christian matapos ang laro
"Mag usap daw kayo ni Aeron." sabi nya
"Bakit daw?" Wala naman akong kasalanan sa kanya sa pag kakatanda ko."Basta nandun sya sa may bato sa may ilog."
"Bat kailangan pa dun sa ilog madilim dun saka walang tao." Mahirap kayang ma-issue,"Pumunta ka nalang."Kahit nag aalangan ako ay nag punta ako sa may tabing ilog may bato kasi dun na malaki kaya maganda pag masdan sa umaga nang makita ko sya ay agad akong umupo sa tabi nya.
"Bakit?" tanong ko agad "Upo ka lagay mo kamay mo dito." tinuro niya yung space sa gitna namin."Huh? Bakit naman?"
"Basta"
"Anong basta bakit nga kasi?"Sinamaan nya lang ako ng tingin kaya dahan dahan kong nilagay dun nako pag may nahawakan lang akong kakaiba dito masasapok ko ito, Ngunit nang mahawakan ko na batong malamig lang pala."Anong meron malamig na bato?"
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na naka hawak sa bato hindi naman ako nakaimik agad sibubukan ko na bawiin ang kamay ko sakanya pero hinigpitan pa at pinag salikop niya ito.
"Anong ginagawa mo?" Naiinis na sabi ko
"Gusto kita, Okey lang ba na ligawan ka?"diretso sabi nya sa gulat ko malakas kong na higit ang kamay ko sakanya dahilan para mag hiwalay.