•••
"Mag linis ka nalang puro ka sigaw!"
"Nakakaasar kana kasi, mas matanda ka sakin pero kung umasta ka parang ako pa yong matanda, ikaw kaya ang pag linis ko at ako ang mag kakain ng santol! Sa palagay mo hindi ka din maiinis!."Halos umuusok ang bunbunan ko sa ulo sa galit na kulo na din ang dugo ko.
"Ang babae ang nag lilinis sa bahay dimo ba natatandaan ang sabi ni tita obligation nyu yun na babae." naka ngite nyang sabi
"Obligation! Obligation mo muka mo purke trabaho nang babae ang pag lilinis may karapatan kana na abusuhin ako."
"Salot ka sa lipunan! Bwesit ka!" Dagdag ko pa galit na galit na talaga ako."Ako salot ? Eh ano naman ang tawag sayo? Huh? Pasakit sa lipunan ganon? Mag linis ka lang kasi para mag ka silbi ka."
"Aargh mamatay kana sana!" Papadyak na sigaw ko napaka yabang nya akala mo kung sino kapal nang muka sarap ilibing at ipalapa sa mga linta sa ilog.
Siya nga pala ang kuya ko meet my anipatiko brother Prince Amaro Ramirez , ang mayabang at pinaka tamad na nakilala ko sa buong mundo sana tamaan sya ng kidlatan at nang mawalan ako nang sakit sa ulo.
"Alis na ako dapat pag balik ko dito malinis na okey?Pag hindi isusumbong kita kay tita."
"Umalis ka at wag kanang babalik , sumbungerong palaka."Kahit na inis na inis ako sakanya ay nakuha pa nyang ngumite sakin nang aasar talaga pa sipol sipol pa itong umalis habang kumakanta
"Ang gwapo, gwapo ko ang lakas nag tama nyu , ang gwapo, gwapo ko na iinlove kayo oohhh woooaahh!"Salamat umalis din ang mahangin kung makakanta kala mo naman kayganda ganda ng boses timbalag naman.
Umpisahan ang pag lilinis, inuna ko nang dakutin ang basura na kinalat ni gago hanggang ngayon nang gigigil padin ako sa kanya lalo nakikita ko ang santol na galing sa bibig nya na halos dumikit na sa saminto napaka basto talaga nang isang yun
Nang matapos ako mag linis sinunud ko naman ang pag sasaing para may makain mamaya pag dating ng mga sinyurito at sinyurita
May dalawa kaming kasama na Tito ko dito sa bahay isang bulag at isang hindi na liligo ewan kung bat ganito ang pamilya ko may mga alam nga hindi naman matitinung tao.
May dalawa pa akong tita at isang pinsan na naka tira dito yun lang pito lang kami sa bahay isa sa mga tita ko ang nag tatrabaho para sa mga pangangailangan namin, nag gagamot si tito para sa mata nya kaya naman tudo kayod si tita
Pangangalakal lang ang kinabubuhay namin at pag tatanim , ang mga kinakalakal namin ay mga panim huh baka isipin nyu mga bakal bote hindi yun, kung di mga pananim na pagkain o gulay itinitinda ni tita yun sa bayan may amo sila yun ang sagot sa sinasakyan nila at syempre may bayad din ang pag sakay na try ko nang sumama nung nakaraan kaso diko kaya mainit na palakad lakad kapa kung saan saan puyat pa.
Ang hirap nun buti na titiis ni tita alam ko na nahihirapan din siya nakikita ko yun kahit di niya sabihin sakin
Hindi na ako na gulat nang mag datingan sila tita at kasama pa sila tito ang tatay ni ate Angelica,"Pakain akira anong niluto mong ulam dyan?"Dyan tayo magaling eh sa pakikikain.
"Asan si ate Angelica?"Pabalik na tanong ko,"Nandoon na nunuud na." Shit! baka huli na ako.
"Tita aalis na ako!" Sigaw ko ki tita nasa kwarto kasi sya ewan kong anong ginagawa.
"Mag ugas ka muna ng pinag kain namin mamaya kana gumala pag katapos kumain." pabalik naman na sigaw sakin, hindi pwedi si tita naman eh.
"Aba, ginataan na improve kana Akira sa pagluluto."