CHAPTER 1

18 3 0
                                    

•••

"Lately na papadalas ang panaginip ko nang paulit ulit na tagpo"

"Panong tagpo?"

"Isang lalaki na hinahalikan ako sa panaginip ko at sa tuwing mag lalapit na ang mga labi namin nagigising na ako"

"Gwapo ba?"

"Hindi ko nakikita ang muka nya sa panaginip ko pero sanakikita ko sa pangangatawan nya gwapo sya"

"Yan nood pa ng korean drama"

"Tsst" kahit kailan talaga ang isang ito halimaw.

"Ano papasok paba tayo?" Singit na tanong ni Syndie isa sa mga pinsan ko sa side ng nanay ko at isa sa tropa ko simula garde one magkakabit na kami, ka-ututang dila, kambal tuko, at iba pa.

Papasok na kami ngayon sa school medyo malapit narin kami sa haba ng nilakad namin at tinawiran na ilog sa wakas ay makaka rating nadin sa Lugar na nais, halos araw araw namin itong ginagawa tuwing pumasok wala kasing sasakyan.

Grade 11 na kami at GAS ang lahat nang course na kinuha namin dahil yun lang ang available sa lugar, kaya lahat kami ay mga gasgas na, gasgas ang kamay kagagamas ng damo sa school di naman na uubos ang lahi.

"Mag cutting nalang tayo wala naman gagawin sa school." sabat naman ni Beone pinsan ko sa side naman ni tatay at syempre tropa ko din.

Lima kami sa group namin Angelica Ramirez, Syndie Antonio, Beone Madrigal, Judy ann Galicia at ako.

Pero ngayon di kasama si Judy Ann dahil taga ibang baryo siya kaya hindi kami nag sasabay sabay, minsan lang sa school at pag uwian na,

Ang mga kasama ko naman ngayon ay ang mga tropa ko at iba pang taga baryo namin na sa parihong paaralan din pumasok.

Best in cutting talaga

"Baka magalit si ma'am pag nalaman nun na nag cutting kayo ulit, baka ipa tawag na ang magulang nyo." tama kayo nang nabasa sila lang ang cuttingera ako hindi kasama sa mga ganyan, malaki ang tiwala ng mga teacher sakin pati na ang tita ko, bugbug ang abot ko pag nalaman nila na nag cutting ako.

"Kaya lang naman nalaman ni ma'am na nag cutting kami kasi sinungbong mo kami." inis na wika ate Angelica, Opps!. panganay yan sakin nag ilang buwan saka matanda sya sa dugo kaya ate ko siya, ako kasi ang bunso sa lahat ng mag pipinsan yun ang sabi nila.

"Hindi ako ang nag sabi!, Si Christian yun! nakita daw nya kayo na naka uniform sa labas." Totoo yun si Christian talaga ang naka kita sa kanila at nag sumbong.

"At ang sabi nya nabili kayo ng burger sa tindahan ni aling Unni." dagdag ko pa. Mag kacutting nalang kasi hindi pa galingan mga pasaway.

"Bwesit na Christian na yun napaka sumbungera parang babae!" Asar na sabi ni Beone alam nyo kaya galit na galit itong si Beone na ito kay Christian kasi nong ilaban kami bilang representative ng school namin mag kakasama kami sa kwarto and yun may nangyari. Baka madumi ang iniisip nyo ha! hindi ganon yun.

Napagtripan namin siya sinabi ko na pa yakap ako pero ang yumakap naman talaga sa kanya ay si Christian grave ang galit nya nun, bwesit na bwesit talaga siya.

"Abangan nalang natin Mamaya sa uwian tingnan natin kung hanggang saan ang yabang nya." Syndie

Away na naman

Nung Elementary din kami na guidance kaming lahat dahil sa pag aaway, boys vs girl or mabuting tawaging nayon vs centro,pangalan yan ng baryo namin pinaka dulo ang nayon bago centro, ibayo saka palang ang sta Ines ang pinapasukan namin school ngayon layo ano?

Dumagat Girl Turn Into Rich Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon