''Umahon kana dyan Akira kakain na tayo.'' nag unahan naman kami sa pag-ahon may mga kasama pa pala ako hehe dahil sa ginawa ni kuya kanina naligo na talaga ako. hmmm, naamoy ko na agad ang pansit at ang pinag halong amoy nang mga ulam.
''Ilang sili ang ilalagay dito'' kuya habang hawak hawak ang buho sa palagay ko talangka yun sinasalaksak na nya.
sinalaksak- isang uri nang ulam kung saan ang talangka ay niluto sa buho saka sasalaksakin hanggang madurok hahaluan nang sili at iba pang panglasa para sumarap, ang talangka ay katulad nang alimango sa dagat ang pinagkaiba nga lang sa sapa o ilog ito nakatira yun lang ako si Akira nag sasabing mag aral ng mabuti dahil ligtas ang may alam.
''Damihan mo 20 agad'' sabat ni annie
''Woahh kaya naman kaya?'' mahapdi yun panigurado myra.
''Sige patapangan nalang.'' Beone
kanya kanya kaming tumpok sa tapat nang dahunan na may kanin ulam nalang kilangan at kainan na kakanya kanyang kamay yan syempre.''Pumunta si kuya sa harapan namin na may dalang kaldero na walang laman halatang kagaagmit lang mauling pa eh may hawak din syang sandok pinukpok nya ang kaldero kaya tumingin lahat.
''Kalma muna walang gagalaw nang nakahain patapusin muna, bibilang ako nang tatlo bago mag simula kumain unahan tau sa ulam.'' gusto ko yun nakaka excite na ako hahaha
1
.
.
.2
.
.
.
2
.
.
Hahahaha! nag unahan na agad sila di talaga maalam mag bilang si kuya.''Balik nyo wala pang tatlo eh napaghahalataan kayo na matakaw.'' kuya
''Paano naman si Myra sunggab agad wala pa namang tatlo.''
''Ako ba? hiya naman sa mas madami nang nakuha.''
''Tama na yan simula na ulit.'' na tahimik naman kami pakiramdaman.
1
.
.
.
3 tatlo !
.
.
.
Dinakot ko kaagad yung pansit sa gitna pati kanin, napaso pa ako, syempre mainit galing apoy eh, ang saya nang ganito yung kasama mo sila sa saya at nakakalimut ka sa mga bagay bagay.''Ahh!! putik sinong nag tanim nang sili sa kanin ko!'' hahaha karma nga naman si kuya talaga,
''Pagkatapos kumain mag ready na kayo sa palaro!''
''Yes! palaro na ang sunod,''
Matapos kami na kumain nag pahindag lang kami tapos laro na,naka hilira kami sa gilid nang bato, nasa may talon naman si kuya, sya ang may hawak nang premyo, Simple lang naman ang laro kailangan mo lang maka kuha ang ihahagis nya pag nakuha mo sayo na, ganon lang ka easy lang diba Sana ganon din sa crush pag nahawakan mo sayo na din.
''Walang lunuran!'' pag ako namatay mumultuhin ko ang manglulunod sakin.
''Kampihan tayo?'' syndie
''Kami ni Akira!'' sabat ni Aeron take note hubad baro payan ok lang maputi naman saka hot.
''Kami ni Akira naman, lagi nalang ikaw! Harot na harot mo.'' syndie,
Alam nyu kung bakit nag aagawan ang mga yan sakin magaling lang naman akong lumangoy haha.
''Ngayon lang naman ''Aeron
''Ehhh naku kami naman, tara akira dito sa tabi ko hatian tayo sa makukuha natin''naka ngite akong tumango sa kanya at dinilatan Aeron wala trip ko lang lagi naka buntot sakin eh.
Isa
Dalawa
Languyan na ..
Inumpisahan ko nang ikampay ang paa at kamay ko sa tubig para maka langoy mag kakadikit na ata kami nararamdaman ko ang pag kampag nila sa gilid ko.