"Ano ba aalis ba kayo o hindi?!" Sigaw ko para kasing sisirain nya ang pinto sa katok palang.
"Tara na Aeron hayaan mo na siya may gagawin pa tayo," narinig ko pa ang huling sabi ni Christian bago ang pag alis ng tunog ng mga yapak.
Halos busy ang mga kaibigan ko nang makita ko sa loob ng room nag aayus nang mga muka ang mga bruha hindi manlang na pansin na halos masira na ang pinto kanina dahil kay Aeron.
"Nandyan na ang lahat ng level!" Sigaw ko na natataranta kuno kanya kanya naman silang tinginan sa salamin.
"Bilisan nyo nandyan na daw, maganda na ba ako? Okey lang ba lipstick ko" hindi talaga nila ako napansin.
"Ang lalandi niyo," sabay sabay naman silang tumingin sakin
"Akira! "
"Akala namin dika sasali bakit ngayon kalang?" Nauna lang sila sakin ng ilang oras makareact talaga O.A
"May pumunta kasi sa bahay, yung kotse na nakita natin sa mapapangasawa ko pala yun tapos kanina lang hinatid niya ako gamit ang kotse niya," sabi ko sa kanila medyo gawa gawa ko lang yung parts na hinatid niya ako kasi nakisabay lang talaga ako.
"Hahaha na subrahan ka sa Kdrama,"
"Dapat sinabi mo nalang na ikaw pala ay naka arranged marriage sa isang lalaki tapos kaya lang nangyari yun dahil ang mga magulang nyong dalawa ay magkaibigan at nangako na ikakasal kayo someday."
"Hahaha mas kapani paniwala pa yun!" Wika ni ate Angelica sabay sabay pa silang tumawa.
"Bahala kayo ang hirap mag paliwanag."
"Halika ayusan din kita para pag nakita ka din nang mga lalaki mamaya ay maka bingwit kadin" yaya naman sakin ni Syndie wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tabi niya nakanguso sa kalagitnaan ng pag aayos namin pumasok bigla si sir Allan.
"Girls kuha muna kayong tulda sa bahay ng ma'am Jen,"
"Sige po sir kami na bahala nila Akira" hila-hila nila ako palabas ng room hindi pa ako napayag sa sinabi ng sir hinila na ako si Judy ann at Syndie lang ang kasama ko na iwan sila ate Angelica sa room himala di sumama.
"Ang tulda na kukuhanin natin ang gagamiting tent nang group natin,"
"Sila Aeron na bahala sa pag gawa mamaya pero kailangan padin nating tumulong."Sabi naman ni Judy Ann.
Panandalian kaming natahimik habang nang lalakad sa kalsada puro galbok na ang paa ko dahil sa pag lalakad hindi kasi samentado ang kalsada tapos dinadaanan pa nang sasakyan di subrang galbok nakapit sila sa paa.
"Bilisan na natin." Malapit na din kami sa bahay kunting kembot nalang. May tao naman sa bahay ni ma'am Jen tatay niya siguro,siya nag abot samin nang tulda.
Usong kaming tatlo dahil medyo may kabigatan din.
"Si kuya mo Akira diko pa napapansin yon ah hindi ba kayo nag sabay?" Tanong ni Syndie, Sakin pa talaga hinanap.
"Nandyan lang yun, bilisan na natin para makasimula na tayo." Nakarating kami sa room at ganon pa din ang inabutan namin nagpapaganda padin sila.
"Sila Aeron at Devi?" Tanong ko palapit sa kanila,
"Nasa likod may inaayos sila."
"Akira, alam mo ba na sila ang partner natin sa tent makaka sama natin sila," Tanong ni ate Angelica
"Ayie may forever na sila ni Aeron, kilig ang pwet naman ng isa dyan.?" Tumawa yung tatlong parang ewan.
"Sorry pero may mahal na akong iba," pairap kong sabi sa kanila