Title: Dumagat Girl turn into Rich Girl
This is a work of fiction names, character, places, event and incident are either the product of the author's wild imagination, Any resemblance to actual person, living or dead or any event is purely coincidental.
No parts of this book may be reproduce or transmitted in any form means plagiarism is crime.
If you're looking for good and perfect story Stop reading this Shit! Cause I'm not perfect writer.
PROLOGUE:"Maghanda kayo lilipat tayo ng tirahan."sabi ng ama niya, sampo silang mag ka-kapatid pang apat siya mula sa panganay.
"Saan naman tayo lilipat asawa ko."tanong ng kanyang ina."Sa Nayon, nababalita na madami ang ginto baka doon na tayo yumaman."sagot ng ama niya.
“Sigurado kana ba diyan asawa ko?.”Muling tanong ng kanyang ina. “Oo Mahal ko, sigurado ako na mababago ang buhay natin, mabibigay natin ang lahat ng gusto ng mga bata.” Halata sa boses ng lalaki ang pananabik at sayang nararamdaman.
Ngunit salungat sa inaasahan ang nangyari walang ginto ang nasabing lugar dahil sa pangyayari iyon nag kasakit ang kanilang ama at wala silang pera para ipagamot ito.“Mahal pag na wala ako isasama kita.”wika ng ama habang nakaratay sa higaan.
“Asawa ko hayaan mo na muna ako, walang mag-aalaga sa mga anak natin mga bata pa sila para iwan.”
Matapos ang libing ng kanilang ama sumunod naman ang kanilang ina at matapos din ang ilang linggo na sunogan naman sila ng bahay
walang gamit ang natira sa kanila dahil tinupok lahat ng apoy.May mga gustong umampon sa kanilang mag kakapatid ngunit mas ginusto nila ang magsasama kahit mahirap
“Di bali na mag dildil ng asin basta mag kakasama Tayo.” Sabi ng ate nya.
Nang tumungtong siya sa wastong gulang nakilala niya ang isa sa anak ng Elders ang na mumuno sa tribo na napuntahan nila ng mga kapatid. Doon nag simula umibig ang puso niya pero hindi naging madali ang lahat kailangan niyang kunin ang loob ng mga magulang nito, pero dahil sa ngalan ng pag ibig kinasal din sila nag karoon sila ng unang anak na lalaki at nasundan pa nang kambal na babae.
Ayos na sana ang lahat ngunit isang araw may mayamang lalaki ang dumating sa lugar nila umibig muli ang asawa nang lalaki at di nag tagal sumama na din ito kasama ang isa sa kambal na anak.
“Hanggat hindi pa sya dalaga sakin muna sya!.”Sigaw nang lalaki.
“P-pero anak ko din sila.” Basag ang boses nang ginang habang nag sasalita.
“Intindihin mo din naman ako, magulang din ako, please sakin na muna ang mga anak natin.” dagdag pa nang ginang. Pero muling nag matigas ang lalaki hindi na muli siyang nagpalinlang sa maamong muka ng babae sa kanyang harapan.
“Isasama ko ang isa sa kambal pati ang kuya niya, isa lang ang ipagkakatiwala ko sayong pangangalaga. pumayag ako na sumama ka sa lalaking yon pero hindi ako papayag na isa mo lahat ng anak natin.” saad nang lalaki saka umalis. Naiwan ang ginang kasama ang isang anak niya na babae sa kanyang bisig.
Another years Past.
“Congratulations anak second honor ka!.”naka ngiting sabi nang lalaki sa anak nya.
“Pero gusto ko po first honor gaya ni kuya.” naiiyak na sabi nang bata.
“Hey anak tandaan mo ito, hindi naman nag hahangad si tatay nang matataas na marka mula sayo, lalo na kung nahihirapan ka, basta pasa ka okey na yun sa tatay, wag mong pahirapan ang sarili mo para sakin naiintindihan mo ba?”
“Pero gusto ko marami tayong pera tatay para lagi tayong may pagkain nila kuya.”
“Kaya ang dapat mong gawin ay makuntinto para umangat ka, yun lang ang kailangan mong gawin at syempre tiwala kay papa God, nauunawaan mo ba ang tatay?” Malambing na tanong nang lalaki
“Opo, tatay!” Sigaw ng batang babae.
“Very good! Tara na sa kuya mo sigurado akong kanina pa yun nag hihintay satin.”
Lumipas din ang taon muling nag pakasal ang lalaki nag karoon sila nang isang anak at ang anak sa unang asawa sa kanyang ate pinaalaga.
“Tatay ikakasal po kayo?.”tanong ng bata sa ama habang naiyak.
“Oo anak, doon muna kayo ng kuya mo sa tita mo madaming pagkain doon, diba gusto mo yon?” Pagpapatahan nito sa paslit.
“Ayaw mo na po samin kasi hindi kami mabait ni kuya?” Sunod sunod ang luha ng bata na nakapagpatigil sa kanyang ama. Gustuhin man nitong isama ang dalawang bata ay hindi magawa dahil sa kahilingan ng kanyang bagong asawa. Ayaw niyang pag mulan ng kanilang away ang dalawang paslit.
“Gustong gusto kayo ni tatay dahil subrang bait nyo ni kuya mo, pero kila tita mas maaalagaan kayo ni kuya at yong mga favorite mo na laruan mabibili mo na, gusto mo nang maraming toy diba? Ibibigay sayo yon ng tita.” Kombinse ng ama sa anak.
“Opo gusto ko po.” Tugon ng paslit na parang di dumaan sa pag iyak. Pinahid nito ang luha at ngumite.
At ang kwento naman na sumama ang ina nila sa ibang lalaki ay nilibing ng angkan nila sahalip pinalabas na patay na ito.
Lumaki ang dalawang bata sa puder ng kanyang mga tita.
Si Amaro ay nanatiling matalino at palaging naghahakot ng karangalan samantalang ang kanyang bunsong kapatid na si Akira ay naging sakit sa ulo ng kanyang mga tita.
•°•