CHAPTER THIRTEEN:SHE SAVED ME

136 6 0
                                    

Clyde POV

Nandito nakami sa mall at papunta na sa book store.

Kailangan niyang Bumili ng Mga libro kaya daw samahan ko siya.

Pagpasok namin sa Bookstore ay kumuha agad ako ng push cart.

Habang naglilibot ay ako ang nagtutulak at hawak ko ang pouch niya.siya naman ay seryosong seryoso sa paghahanap ng Mga libro.nakasunod Lang ako sa kaniya.

"Babe,anong Mga libro ba ang hinahanap mo?"tanong ko.naghanap nadin ako ng mga libro na baka makatulong sakin.mga librong tungkol sa doctors.

"Hmm mga libro sa engineer.nag kokolekta kasi ako ng mga libro.dati Kasi ay binibilhan kami Nila mommy at daddy ng ibat Ibang libro tungkol sa Law,Doctors, engineer, architect,Police,Pilot etc"Sabi niya habang nagsusuri ng Mga libro.

"Ahh kaya pala andami mong libro sa office mo tuwing pumupunta ako doon."Sabi ko.

"Mm kalahati lang Ang Meron ako sa Office.mas madami sa Mansion.kalahati Kasi sa office ay mga libro tungkol sa law.kung Titignan mo nang malapitan yun ay mas madami ang law."Sabi Naman niya.

Ako namang ay nagtaka kaya napalingon ako sakaniya.

"Bakit babe? Engineering Ang course mo hah."kunot noong tanong ko.natawa naman siya.

"Hindi Naman Kasi sakin yun."natatawang sagot niya pagkatapos maglagay ng limang libro sa cart at naghanap nanaman ng iba.sumunod naman ako sakaniya.

"Hah?eh kanino?"tanong ko.

"Sa kambal ko."napapangiting sagot niya."pangarap niyang maging attorney kaya naman madami siyang ganun.kung tutuusin ay pag pumasok ka sa study room ay tig kalahati kami ng Mga book shelf.isang side ay libro ng Mga law at Yung Isa ay sa engineer."Sabi Naman niya.

"Bata palang kami ay binibilhan na talaga kami.kahit anong okasyon ay may regalo kaming matatanggap.alam Kasi nila mommy at daddy in the first place na ayun talaga ang pangarap namin."Sabi Niya.ako naman ay nakikinig Naman sakaniya.

"Simula nang mawala siya ay Hindi ako tumitigil na regaluhan siya.lalo na ang parents namin.tuwing birthday Niya at may sampung libro siyang nakukuha.pumupunta pa kaming Ibang Bansa para makabili ng mga libro."Sabi niya.

"Miss na miss ko na nga siya eh.siguro kung buhay pa siya ay Sabay kaming nag aaral."Sabi niya at natigilan ako ng may tumulong luha sa mata niya.

"Shhh babe,tahan na"Sabi ko at niyakap siya."bibilhan nalang Kita ng ice cream Tara na"

Nag angat naman siya ng tingin sakin."talaga?"tanong niya.sunod sunod Naman ang tango ko.

Pagkatapos bayaran ang mga librong nabili namin ay lumabas nakami at naghanap ng ice cream store.

Sampung libro ang nabili niya at pito naman sakin.

Nang may Nakita na kaming store ay umorder na kami.

Isang cookies and cream ang binili Niya at Black Forest Naman sa akin.

Patuloy kami sa pagkain at paglilibot dito sa mall ng biglang tumigil si Alex sa paglalakad kaya napatigil naman din ako.

Pinakiramdaman ko ang paligid at pasimpleng lumingon sa bawat sulok.may Nakita akong mga lalaking naka black kaya napalingon ako kay Alex na kalmadong kalmado ang dating.

"Babe,nararamdaman mo ba yun?"kinakabahang tanong ko.

"Mm."sagot naman niya.

"Anong g-gagawin natin?"tanong ko Naman.

"Dito kalang.ako na ang bahala."Sabi niya sabay hatak sa akin palabas ng mall at dumiretso sa parking lot.

Naghanap siya ng lugar Kung saan madaling paglaruan ang mga lalaki.

Pagkatapos maramdaman na sumunod Ang mga Ito ay pinapasok niya ako sa loob ng kotse at nakita ko naman siya sa Salamin na pumunta sa sulok.

Naghintay ako ng Ilang minuto at nagulat nalang ako ng makita siyang hinagis ang Kutsilyo paikot at tumama sa pisnge ng lalaki kaya Ito napahiga sa sahig.

Binaril niya ang cctv kanina at Kinuha ang cellphone niya na animong may tinatawagan.

Pagkatapos gawin iyon ay lumapit siya sa limang lalaki at may itinusok sa leeg nila.

Lumapit siya sa akin at umupo sa passenger seat.may Dugo ang kaniyang damit.

"Okay kalang ba,babe?"nag aalalang tanong ko.

"Oo naman."kalmadong kalmado ang reaksiyon ng kaniyang mukha.tumingin siya sa harap niya at may binuksan doon.nakita Kong kinuha niya ang Chuckie na nandun at binuksan iyon.

Isinandal niya ang ulo niya at sinimulang uminom ng nakapikit.animong pinapahinga ang isip.

"Babe,baka may makakita nung mga katawan nung Mga lalaki."tanong ko.

"Don't worry,I called Pia and Selena to Clean the Mess."Sabi niya.nakahinga naman ako ng maluwag.

Pagkatapos ang nangyari ay pumunta nakaming bahay at sinimulang magpahinga.

//////////////-,-/////////////

IM INLOVE WITH A MAFIA BOSS(SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon