CHAPTER SEVENTEEN:GET READY

128 5 0
                                    

Alex POV

Nagising ako nang biglang may dumikit na mainit na bagay sa hita ko,nilingon ko ito at nakita ko ang bintana namin na nakabukas at pinapasukan ng sinag ng araw.

Masakit parin ang katawan ko Dahil sa nangyari kahapon.

Para akong hindi makatayo at konting galaw lang ay mababali na ang buto ko.

Tatayo na sana ako para makapag hilamos nang biglang idantay ng lalaking to ang paa niya sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko kaya nakiliti ako.

Narinig ko siyang natawa kaya siniko ko siya sa dibdib pero ako din ang nasaktan dahil abs niya ang nasiko ko.

"Iloveyou,babe"bulong niya sa akin.napangiti ako bigla.

"Okay."sagot ko sa kaniya.

Nilingon naman niya ako at sinamaan ng tingin kaya umiwas ako ng tingin.

Tumayo na ako agad ng bigla siyang humiwalay sa akin at dumiretso sa cr para makapag hilamos at toothbrush.

Pagkatapos ay lumabas nako at sinuot ang hoodie niyang color black na malaki dahil nasa hita ko na ito.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.nakasuot ako ng eye glasses at naka messy bun ang buhok ko para hindi mahulog habang nagluluto.

Bumaba nako para magsimulang mag handa ng agahan pero si Clyde ay nasa kwarto parin at nag aayos ng sarili dahil may pasok siya ngayon.ako naman ay mamaya pa at half day lang kami kaya baka sa office nako dumiretso.

Natapos ko nang iluto ang breakfast namin at sakto namang bumaba na si Clyde kaya naupo na kaming dalawa.

"Half day kalang ngayon,saan ka pupunta pag uwi?"tanong niya agad.

"Bakit?"tanong ko sakaniya.tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Anong bakit?Bawal magtanong?"sabi niya.umiling ako.

"Sa office."maikling sagot ko.tumango naman siya at kumain ulit.

Hindi ko alam kung sa office ako pupunta or saan.baka dalawin ko nalang ang kakambal ko sa sementeryo.

Pagkatapos kumain ay umalis na kaming dalawa.nagpumilit pa siyang doon nalang ako sumakay sa sasakyan niya pero tumanggi ako dahil namimiss ko na ang kotse ko.

Trixie POV

Nandito ako ngayon sa elevator dahil papunta ako sa UG.doon kami tatambay dahil half day lang ako at may event ang senior high sa univ.

Pagbukas ko ng pinto ay ang sarap ng buhay ng mga ungas.

Mga inubos nanaman nila ang binili ni alex na pagkain dito kaya wala na halos laman yung ref at pantry.

Nilingon nila ako na kakadating lang dahil nakasuot pa ako ng uniform at hindi pa nakakapag palit dahil tinatamad ako at nagugutom nadin ako.

Ang uniform kasi namin ay neutral.white long sleeve at fitted gray skirt na above the knee.flat shoes naman ang suot ko sa baba.

Paglapit ko palang sa kanila ay binagsak ko na ang katawan ko sa couch at sinandal ang ulo ko para ipahinga ang utak ko.

Nakauniform din tong tatlo at siguradong half day lang din sila.

"Bakit halfday lang sa school?"tanong ko sa kanila.abala sila sa kinakain at panonood ng cartoons sa Youtube kasi may youtube yung tv dito.

"May js prom yung senior high.ewan ko kung bakit may ganon sila eh ang alam ko ay graduating lang ang may ganun"sagot ni selena pagkatapos ay binuksan ang isang garapon ng stick-o.

"Ang bobo mo naman!syempre graduating student yung mga senior high kaya may ganun sila.tangina nag aaral kaba?"nang aasar na tanong naman ni Pia.ngumiwi naman ako.

Nakinuod nalang din ako sa kanila at kumain nalang din para makapag relax.mas mabuti ngang wala pang naiisip na plano si alex tungkol sa hunters kaya chill chill lang kami dito eh.

Tahimik din ang kabilang grupo kaya hanggat maaari ay wala kaming ginagawang paunang hakbang dahil kung gagawa kami ng sarili namin ay baka kami pa ang patayin ni alex.

Busy din kasi sila kasi napapansin kong kapag pumupunta dito sa UG si kuya ay nagpapractice sila eh.siguro ay hinahasa na talaga ni alex si kuya para kapag may nangyaring hindi maganda at hindi sila magkasama ay magagawa ni kuyang labanan yung mga yun at magagawa niyang dumipensa.

Kukuha na sana ako ng piatos ng biglang wala na akong makapa kaya nilingon ko yung katabi kong gago na kinakain na pala ang pagkain ko.

Tinignan ko siya ng masama pero eto naman ay akala mong walang nangyaring pagnanakaw.

Tinignan ko din ang lamesa pero wala nang pagkain dahil nasa kanila na lahat at hindi manlang ako tinirhan.

Tumayo nalang ako agad para kumuha ng ice cream sa ref at chichirya sa pantry.

Pag bukas ko ng ref ay bumungad sa akin ang madaming chuckie.si alex ang umiinom niyan kaya hindi namin ginagalaw dahil lagot kami kapag may bawas yan.

Ayan lang nagpapakalma sakaniya kapag may nangyayaring hindi maganda or kaya mainit ang ulo niya.

Binuksan ko nalang at freezer para kunin ang cookies and cream na ice cream.yung maliit lang yung kinuha ko kasi baka kumain din yung mag asawa kaya titirhan ko sila.

Pagkatapos kumuha ay bumalik na ako sa upuan para simulan ang pagkain pero hindi ko pa naman nabubuksan ay biglang bumagsak ang pinto sa sobrang lakas ng pag tulak at nakita namin si alex na nagmamadali.

Dumiretso ito sa isang kwarto na nilalagyan namin ng ibat ibang baril kaya napalingon kaming apat sa isat isa at ako ay halos kabahan dahil sobrang seryoso ang mukha ni alex.

"B-boss anong nangyayari?"naglakas loob na si nicole na magtanong.

"Get ready.we will start tonight."sabi ni alex kaya lahat kami ay natigilan at nagulat sa sinabi niya.

Hindi kami makagalaw ng maayos kaya tinignan niya kami ng masama para pumunta na din kami sa kwarto at kumuha ng baril.

Kinuha ko na ang dalawang baril na favorite ko at ang sa tingin ko ay pwede na din.isang Beretta M9 at isang Beretta 87 Target.

Kumuha nadin ako ng dalawang combat knife at dinikit ko sa dalawa kong hita para madaling makuha.

Lahat kami ay nagmamadali dahil kapag kami ay nagbagal ay baka kami din ang malagutan ngayon.

Pagkatapos mag handa at mag ayos ay i nipit ko na ang buhok ko para walang sagabal mamaya.

Hindi na kami nag abalang mag palit dahil lahat kami ay nakauniform pa.nag suot nalang kami ng jogging pants dahil masiyadong maikli ang skirt namin.

Pagkatapos ay lumabas na kami at nakasunod lang kami kay alex papunta sa parking lot.

Halos talunin na ni alex ang Lamborghini pink niya kaya napagaya kaming lahat na sumakay sa kaniya kaniya naming kotse at sinundan ang walang kasing bilis na si alex.

//////////////-,-/////////////

IM INLOVE WITH A MAFIA BOSS(SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon