CHAPTER TWENTY NINE:LET'S MARRIED

117 4 0
                                    

Trixie POV

"Aalis na po ako"paalam ko sa Kanila mom at dad dahil papunta ako sa bahay Nila Xander.

Ininvite Kasi ako ng parents niya for dinner kaya pumunta nalang ako.sabi pa ni Xander ay susunduin niya ako pero Hindi ako pumayag Kasi mapapagod lang siya.

Pag punta ko sa Kanila ay sumalubong sa akin ang mommy at daddy niya.wala pa daw siya dahil nasa taas yata at nagbibihis pa.

Pagkatapos namin kumain ay niyaya ako ni Xander sa garden nila.nagpapalipas lang ako ng oras tapos uuwi na din ako.

"Kamusta ka na."panimulang tanong ko.hindi iyon normal na tanong dahil alam niyang yung personal na tanong ang ibig kong Sabihin.

"Hindi ako okay."malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa akin.napabuntong hininga Naman ako sa kawalan.

"Nakakatakot ang nangyari sa akin.akala ko nung una Wala na akong pag asang mabuhay dahil Wala nang tutulong sa akin don."nakangiti siyang nakatingin sa langit habang inaalala ang nakaraan niyang puno ng bangungot.

"Sabi ko kay ate Alex dati na sabay naming tutuparin ang pangarap namin nun pero nung nandun na ako sa loob ng kotse Lahat ng ala ala namin ayun lang ang nasa isip ko.kung paano kapag nawala ako,paano na yung pangarap namin,yung mga dapat at palagi naming gagawin,Sabi ko sakaniya nun poprotektahan ko siya Kasi ako ang lalaki pero siya ang gumagawa sa akin nun ngayon."

"Dati ayaw kong pinoprotektahan Niya ako Kasi nag Mumukha akong mahina.ayaw ko siyang gumagawa ng mga bagay na sa tingin ko ay ikakapahamak niya dahil ayokong baka masaktan siya.ako dapat ang nasa posisyon niya pero nagkapalit yata kami."natatawang kwento Niya pa.napangiti Naman ako ng bahagya.

"Nung mga oras na inaalala ko siya ay Sabi ko nun sa sarili ko na pinag sisisihan ko nang sinabi ko pa yun mung bata kami.na ayaw ko siyang pinoprotektahan ako Kasi Hindi magandang tignan na babae pa ang gagawa nun.kaya nung nakabangon ako at pinipilit maging malakas siya lang ang iniisip ko.na Sana kasama ko siya dito para mapagtanggol niya ako."malungkot na Sabi Niya sa kawalan.ramdam ko ang kirot sa kaniya.

"Kaya nung naging malakas ako ay Sabi ko sa sarili ko na kapag bumalik ako ay sisiguraduhin kong mapoprotektahan ko na si ate kaso mas malakas padin siya sakin.hindi ako naiingit sakanya pero mas hinahangaan ko siya.sobrang galing niya makipag laban Kaya kapag kasama ko siya alam ko sa sarili kong ligtas ako eh."

Totoo yun.naalala ko nung nasa mall kami ay alam kong ligtas ako Kasi kasama ko siya.kaya kong protektahan ang sarili ko pero mas kampante ako kapag siya ang kasama ko.

Matapos niyang mag kwento ay nanahimik nalang kami bigla.nakatingin lang kami sa mga bituin na kumikislap.

Patuloy lang ako sa panood nang biglang tumayo si Xander at humarap sa akin bago yumuko.

Biglang namasa ang mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Nakatingin siya ng deretso sa akin at naluluha na din ang mata.

Nang biglang may kinuha siya sa bulsa na pulang kahon.binuksan niya ito at tumambad sa akin ang isang napakagandang singsing.

"Can you marry me?"tanong nito.napaluha ako bigla agad.normal sa lalaki ang tanungin ang babae ng ganyan kapag mag popropose pero kapag sa kaniya nanggaling ay hindi ito normal dahil merong kiliti Kang mararamdaman.

"Yes you can."natatawang sagot ko pa sa kaniya dahil parehas kaming nag uusap ng umiiyak.natatawa din siya kaya tumatawa siya habang sinusuot sakin ang singsing.

//////////////-,-/////////////

IM INLOVE WITH A MAFIA BOSS(SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon