CHAPTER SIXTEEN:EXPLANATION

119 6 0
                                    

Clyde POV

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa swivel chair sa kwarto namin ni alex habang nanunuod ng peppa pig sa loptop.

Simula nung nangyari sa parking lot ay hindi na niya ako pinapansin.dalawang linggo na ang nakaraan at may malaking pader ang nangyayari sa amin.

Isang linggo niya akong sinuyo nun pero dahil maarte ako ay hindi ko siya pinapansin.totong nainis ako dahil nakakausap niya ang ex niya pero inexplane naman na niya sa akin kung bakit siya natawa pero ako tong gagong naiinis parin at hindi siya kinakausap.

May mga oras na nagmumukha na siyang tanga at napapahiya lalo na sa akin dahil sa mga bagay na ginagawa niya na palagi kong hindi pinapansin.

Masiyang sarado ang utak ko nung oras na yun at pati siya ay hindi ko nakakausap ng matino dahil ayokong may masabing iba at may masabing masama sa lahat lalo na sa kaniya.

Minsan pang palagi siyang nag luluto at gumigising pa ng maaga para lang makapag handa ng pagkain dahil minsan ay madaling araw ang pasok ko pero hindi ko kinakain ang pagkain na niluto niya or kaya ay hindi ako sumasabay.kinakain ko lang yun kapag tulog na siya or wala siya sa bahay.

Alam ko namang hindi niya kasalanan yun pero hindi ko lang maiwasang hindi makaramdam ng ganito dahil alam kong hindi magiging maganda ang kinakalabasan.

Pumupunta siyang ospital minsan para magdala ng pagkain pero hindi ako bumababa at may minsan pang ilang oras siyang naghihintay pero hindi ko pinapansin at pinapatawag ko nalang sa nurse sa baba na paalisin na siya at ipaiwan nalang ang pagkain dahil nagugutom na ako.

Sa loob ng isang linggo ay sa akin umiikot ang kaniyang mundo para lang suyuin ako sa pang araw araw at maging mabuti na kami sa isat isa pero dahil sadyang hanggang doon ay nagtatampo padin ako ay hindi ko parin siya pinapansin.

Dahil sa paulit ulit niyang ginagawa na maghintay at magluto ng pagkain para sa akin para lang madala sa ospital ay hindi niya na alam na hindi na pala siya nakakagawa ng mga Assignment ang projects.

Napabayaan niya din ang company nila at nalugi sa kaonting halaga kaya tuwing papasok ako sa kwarto at naririnig ko siya sa labas ng pinto na umiiyak ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyayare sakaniya ngayon.

Last week, Sunday ay nagdala siya ng pagkain para sa akin nun naghihintay siya sa bench ng hallway para hintayin na bumaba ako.hindi ko alam na pupunta siya dahil ang alam ko ay nag focus na siya nun at inayos ang lahat sa school at office.

Patuloy ako nun sa paglalakad ng biglang sumulpot ang isang doctora na binigyan ako ng isang lunch box na may pagkain.nasabi niyang birthday niya ngayon kaya daw pumunta sa hospital ang asawa niya na may dalang handa kaya nabigyan lahat ng doctor sa hospital na nakashift nung oras na yun.

Pagkatapos niyang ibigay ay nalingunan ko na ang bench ng hallway para sana pumuntang cafeteria dahil kakain na ako pero nagulat ako ng biglang nakita ko si alex na may hawak na lunch box at deretsong nakatingin sa akin Ngayon.

Mas lalo akong natigilan ng biglang may nakita akong tubig na tumulo sa mata niya.palapit na sana ako nun pero bigla nalang siyang tumakbo palabas kaya nung time na yun ay sinundan ko siya pero hindi ko na alam kung saan siya pumunta.

Doon na nagsimula ang pagiging baliktad naming dalawa.ako na ang sumusuyo ngayon sa kaniya dahil mas malamig pa siya sa malamig.

Kung ang normal niya ng emosyon ay malamig talaga.ngayon ay sobrang lamig na na akala mo ay hindi ako nag eexsist sa mundo dahil mukha akong hangin na palagi niya lang dinadaan at hindi nagagawang kausapin.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang makarinig ako ng pag bukas ng pinto at nakita kong pumasok si alex sa kwarto at dumiretso sa closet.

Hindi ko nalang muna siya pinansin at humarap nalang sa loptop at nanuod ulit ng biglang napalingon ako sakaniya ng biglang may hawak na siyang dalawang maleta.

Nilagay niya iyon sa ibabaw ng kamay kaya napatayo ako bigla at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

Hindi ko na nagawang i pause ang pinapanood ko dahil sa kakamadali na mahawakan siya.

"Where the hell are you going?"kunot noong tanong ko.nakatingin lang siya sa harapan at sinusubukang tanggalin ang kamay ko sa kamay niya.

"Hey,im asking you,saan ka pupunta?"hindi ko alam na naisigaw ko na pala ang sinasabi ko.

Nilingon niya ako at tinignan ng seryoso pero maangas parin ang dating.

"Sinisigawan mo ba ako?"naiinis na tanong niya.

Napaatras naman ako ng konti at niluwagan ang pagkahawak sa kaniya at kusang tumungo nalang.

"Saan kaba kasi pupunta?"nakatungong tanong ko sakaniya.

"Aalis na ako dito."sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya dahil sa gulat na sinabi niya.

"Anong aalis?walang aalis!"inis na sabi ko sakaniya pero siya ay Parang walang narinig at pinagpatuloy ang paghahanap ng damit sa cabinet.

Nataranta naman ako at inalis ang maleta sa kama kaya nilingon niya ako at tinignan ng masama.akmang kukunin na niya ang maleta at ibabalik sa kama ng bigla ko siyang isandal sa cabinet at doon hinalikan.

Para akong isang taong uhaw na uhaw sa halik niya dahil nadidiin ko na pala ang paghalik sakaniya.

Pilit niyang nilalabanan at pumipiglas sa akin pero hindi niya magawa dahil nakahawak na ang isa kong kamay sa batok niya at ang isa naman ay sa bewang.

Napatigil ako bigla nang marinig ko siyang humihikbi habang hinahalikan ako kaya nakita ko na umiiyak na pala siya.

"B-babe"nausal ko habang tinitignan ang mukha niyang umiiyak.

"Gano ba kalaki ang kasalanan ko sayo?!"umiiyak na sabi niya.ako naman ay hindi makapagsalita dahil nakakaramdam na ako ng konsensya.

"Gustong gusto mong napapahiya ako no?!"sabi niya na humihikbi pa.

"I-im sorry babe"nasabi ko nalang at unti unting yumakap sa kaniya.siya naman ay hinayaan nalang ako at doon umiyak sa dibdib ko.

//////////////-,-/////////////

IM INLOVE WITH A MAFIA BOSS(SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon