CHAPTER TWENTY:HE SAVED THEM

131 5 0
                                    

Someone's POV

It's been a long time since I've been with you and facing you. I'm glad because until now you are still brave. You always save your parents so now I will save you.

"Boss napatay na namin sila."nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang isa sa mga kasama ko.

Natuwa naman ako at sinabihan na agad sila.

"Pasukin niyo na ang kwarto at tulungan ninyo ang mga nandun."utos ko sa kanila.mabilis naman nila iyong ginawa at tinungo ang kwarto.

Lumayo muna ako at naghanap ng pwedeng mapapatay.madami ang mga nakaitim na lalaki dito pero natutuwa ako dahil nalaman namin ang patibong nila.kanina pa kami nandito at nakita din namin ang ginawa nila sa mga taong pumasok kanina.

May mga nakabantay kasi sa harap kaya sa tuwing papasok ka ay sila ang makikita mo at maaagaw nila ang atensyon mo pero meron pang mga nasa likod mo kaya mas mabilis nila napapatumba ito at dinadala agad sa kwarto.

Hindi sila patas kung lumaban kahit na madami silang nandito.mga takot ba sila?babae nanga ang nagtangkang pumasok dito pinagtutulungan pa nila.

Pagkatapos maghanap ng mababaril ay bumalik na ako sa kwarto at tinignan ang mga kasama kong tinutulungan na makahiga at kinakalasan ng mga tali ang mga nakulong dito.

Ginagamot din nila ito dahil hirap na hirap na silang tumayo at dumilat.napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.

Clyde POV

Matapos kami dalhin sa kwarto ay nakarinig ako ng sunod sunod ng putok ng bala at ang ingay sa labas!

Nilingon ko si alex na hinang hina na.sobrang sakit na ng katawan niya at ako mismo ay nararamdaman iyon.bukod kasi sa sapilitan siyang itali sa upuan at pati ang kamay niya sa likod ay natatamaan ang kaniyang tama ng bala sa balikad.

Nilingon ko naman ang apat na wala na ding malay at hirap na hirap na ding nakaupo at tinitiis ang sakit dito sa kwarto.

Si trixie kasi ay nakatali din at may dugo ang bibig.nahihirapan din siyang umupo ng maayos dahil siguro sa sakit ng likod niya ngayon.

Si Pia naman ay kaparehas lang din ng kay trixie mukhang pare parehas ang pag gawa sa kanila.

Si Nicole naman ay nakapikit na ang hindi gumagalaw dahil kapag ginalaw niya pa ito ay pwede siyang masaktan lalo na sa likod.

Ni Selena naman ay umuubo ubo pa at dugo na ang lumalabas dito.sa likod din ang tama ng sakaniya at baka maapektuhan ang mga spinal cord nila dahil malakas ang pagkakatama dito.hindi ito maganda.

Nilingon ko naman ang mga magulang ni Alex na walang malay na nakahiga sa kama at nakatakip ang bibig at mata.mga walang malay din yata sila dahil hindi sila gumagalaw at hindi nila napapansin ang pagpasok namin dito kanina sa kwarto.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at pinahinga ang utak ko dahil nanghihina na talaga ako.hindi ako makagawa ng paraan kung paano makakatakas dahil hindi maayos ang posisyon ko ngayon.

Kahit nakapikit ang mata ko ay may narinig akong boses na nagsasalita ngayon.

"Boss napatay na namin sila."

Ayan ang narinig ko.nagkaroon ako ng interes at hindi na pumikit para marinig ang kanilang pinag uusapan.

"Pasukin niyo na ang kwarto at tulungan ninyo ang mga nandun."isang boses ng lalaki ulit ang narinig ko pero mararamdaman mo ang otoridad sa boses niya.kapareho niyang magsalita si Alex lalo na kapag may mga iuutos sa apat.

Nakarinig ako ng tunog ng bukas ang pinto at yabag papalapit sa direksiyon ko.

Lumapit sa akin ang isang lalaki at hinawakan ang kamay ko para tanggalin ang nakatali.nakapikit parin ako at hindi dumidilat para malaman nilang natutulog ako kunyari.

Pagkatapos ay dinilat ko ng konti ang mata ko at nakita ko silang ginawa din ang ginawa sa akin at nilalagyan din nila ng gamot ang mga sugat na natamo ng mga kasama ko.

Napasinghap ako ng maramdaman ang sakit ng biglang napadiin ang pagkakalagay ng cotton balls sa sugat ko sa kamay.masyado na kasing bukas ito kaya masakit kapag nahahawakan.

"San pumunta si Bossing?"

"Ewan ko dun kay boss."

"Egzoyted na ako"

"Ako din eh.siguro miss na miss na niya yung kakambal niya."

Ayan ang mga naririnig ko bago ako mawalan nang malay at makatulog nalang bigla.

//////////////-,-/////////////

IM INLOVE WITH A MAFIA BOSS(SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon