Lyrus
Halos 'di rin naman ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa school. Baka mahuli pa ako sa klase.
May isang oras pa naman na natitira para sa susunod na klase kaya ang ginawa ko ay tumambay ulit sa soccer field. Nabalik lang kasi sa isipan ko ang sinabi ni mama. She's pregnant, and she wants to see me.
She texted me when I arrived at the condo. And she really wants to see me and her new family.
I want to. But my heart won't.
"Anong bumabagabag sa'yo?" Tanong ng kung sino sa likod ko.
Nabosesan ko na s'ya kaya hindi ko na ito nilingon pa. "My mom wants to see me." Sabi ko. Medyo gumaan 'yung loob ko nang masabi ko iyon.
"Gusto mo sa Sunday puntahan natin?" Anito at naramdaman ko na lang na umupo s'ya sa tabi ko.
"Let me think about it," sabi ko na lang. "Let's talk about sa plan natin mamaya." Dugtong ko.
He held my hands. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta I'm happy with you. Rason rin naman iyon 'di ba?" Tanong nito.
"Siguro nga." Sabi ko na lang. Kahit din naman ako ay naguguluhan. Sa saglit naming pagsasama, tila may malalim nang marka na para sa'ming dalawa lang. Basta masaya ako kapag kasama ko s'ya. Siguro hanggang do'n na lang muna.
"Let's eat?" Aya nito.
"I'm full." Sabi ko naman at tumingin na sa kanya. He hands me a bag of cheesecakes. "Ano 'to?!" Sigaw ko nang makita ubod ng daming cheesecake.
"Baka sakaling sumaya ka d'yan. Kanina pa kasi kita nakikita dito kaya naisipan ko na bilihan ka muna ng paborito mo bago kita tabihan." Anito at pinagbalat ako ng isa. He hands me the cheesecake he peeled. Tinanggap ko na lang iyon at kinain. Inabutan niya rin ako ng orange juice.
"I knew you like it." He just said and peeled another cheesecake.
Then the flash captured us. We looked at the soccer field and we saw Liam and his group.
"Nasa isip ko na mga bakla kayo at tama nga ako! Bakla!" Sigaw ni Liam. Agad na tumayo si Benj at nagtatatakbo sa entrance nitong soccer field. Kaya ang ginawa ko ay sinundan ito. Ayaw ko naman na may mangyaring masama dito 'no? I picked my phone inside my pocket and texted Jan na nandito kami sa soccer field. Inilagay ko ang pangalan ni Liam to notice we were with him. Nakakita ako ng dustpan sa pagtakbo namin kaya iyon ay kinuha ko.
Nang mapasok na namin ng soccer field ay agad na tumakbo si Benj upang paulanan ng suntok si Liam. Tatlo lamang sila. Alam kong kaya namin ito.
Nang may susugod kay Benj ay agad ko itong pinalo ng dustpan na hawak ko at inihagis iyon sa isa pa nilang kasama na pasugod sa'kin. Inupuan ko ang lalaking nakahiga at inulanan ng suntok.
Hindi ko namalayan ang isa at bigla na lang akong nasapak sa mukha. Agad akong napatayo at napaalis sa isang lalaking nakahiga. Hinarap ko ito. Nagpunas ako ng labi at nakita kong may dugo ito.
"Malakas kang sumuntok ha?" Sabi ko at inabutan ito ng isang sapak sa panga. Kinuwelyuhan ko ito. At h-in-ead butt ko. Napahawak ako sa ulo ko.
"Ang tigas din ng ulo mo." Sabi ko at hinarap ko si Liam at Benj na nagsasalitan ng suntok. Pumwesto ulit ako sa likod nito at tinadyakan ko ito.
Nang humarap ito sa'kin ay sinipa ko ang gitnang bahagi nito. Dahilan upang mapaluhod ito sa sakit. Habang hawak niya iyon ay nagkaroon ako ng tsansa na kwelyuhan ito.
"We are not gays!" Sigaw ko. "Itatak mo sa kukote mo na ang magkaibigan ay pwedeng magkaroon ng seryoso, kalokohan na oras." Dugtong ko at sinapak ko ang pisngi.
YOU ARE READING
Thrown In Heaven
De Todo"Pwede ko namang sabihing "I love you" but words are bland. I will just show it you with this kiss and...." - A teenager who just want to be alone discover himself in a better. He-Lyrus Angeles who used to be nerd in school, found himself together w...