Lyrus
Nakatingin na lamang ako sa kalangitan sa gabing ito. Hindi ko kasi maintindihan ang sinabi sa'kin ng papa ni Benj. But one thing is clear, nandito ako sa second floor sa veranda ng mansyon nila.
Nakarinig ako ng nagbubukas ng sliding door nitong veranda. Pero hindi ko ito tinapunan ng tingin. Iniisip ko pa din kung bakit gano'n ang naging tanong sa'kin ng papa ni Benj gayong alam naman niya na parehas kaming lalaki.
"Hijo......"
Nilingon ko ang boses na iyon. It was Benj's mom's voice. Tita Rachel. Iyon daw ang itawag ko sa kanya.
"Tita......" sabi ko naman.
Tumabi ito sa'kin at humarap sa tanawing nakikita sa madilim na gabi. Puro lang naman iyon ilaw ng mga kabahayan sa baba.
"Tungkol pala kanina, may katotohanan ba ang sinabi ni Benj?" Tanong nito.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na magsabi ng totoo. "Ang gusto niya lang po kasi ay h'wag na s'yang gambalain ni Sandra kaya nakiusap po s'ya sa'kin." Sagot ko.
"Na?"
"Na magpanggap bilang boyfriend niya sa harap ni Sandra." Sabi ko.
"But he knew that Sandra is not here." Sabi pa nito.
"Alam ko din po iyon. Sa katunayan nga po ay nakasalubong po namin si Sandra sa isang restaurant." Sagot ko.
"Bakit dinala niya ka pa din dito?" Tanong nito. "Tapos sasabihin niya pa na gusto ka niyang ligawan." Dugtong nito na nagpalaki ng aking mga mata.
Hindi na dapat pa akong magulat dahil iyon din naman ang sinabi ng papa ni Benj at sadyang kinailangan din na nando'n ako para masabi nila. Na maraming nagbago kay Benj simula nang dumating ako sa buhay nito.
Nang sumahin ko naman ay halos wala namang nagbago. Nando'n pa rin ang makulit at bully na si Benj. Hindi nga lang lagi pero nando'n pa din. Hindi ako ang nagpabago kay Benj kundi ang iba nitong nakagawian.
"Hindi ko din po alam kung bakit, eh," sabi ko na lang sa tanong nito. "Kahit alam ko po na wala si Sandra dito ay nagpumilit pa din po si Benj na isama ako dito at dito niya daw po sasabihin ang gusto niyang aminin." Sabi ko pa.
"Baka nga iyong liligawan ka niya?" Tanong nito.
Tumingin ako sa isang bituin na ubod ng ningning. "Hahayaan niyo lang po ba s'ya kung gano'n po 'yung mangyayari?" Tanong ko.
Naramdaman ko pa itong tumingin sa gawi ko bago tumingin din sa taas. "Ang ganda ng bituin hindi ba?" Biglang tanong nito.
Kaya napalingon ako dito. Nagtataka ko itong tinitigan. Isa na namang palaisipan para sa'kin ang paglihis ng tanong nito.
"Hindi ko po kayo maintindihan." Sabi ko na lang dahil hindi ko nga talaga ito maintindihan.
"May laya sila sa kalawakan. Nagniningning sila sa kalayaang mayroon sila." Sabi pa nito.
"Tita Rachel......" nasambit ko na lang dahil parang nahihinuha ko kung ano ang pinupunto nito.
"Wala akong pakialam sa kung sinuman ang gustuhin ng anak ko. Ang mahalaga ay nakikita kong desidido s'ya at napapasaya s'ya ng taong iyon." Litanya ni Tita Rachel at nilingon ako. Ang kamay ay inilagay sa magkabila kong pisngi.
"Ang pogi mo talaga." Nakangiting wika nito. "Hindi na ako magtataka kung bakit biglang liko ang anak ko." Dugtong nito habang tumatawa.
Natawa na lang din ako. Kung alam lang sana ni Tita....... Pssshhhhh!
"Ma,"
Sabay kaming napalingon sa sliding door nitong veranda. Nandito si Benj at nakaharap sa'min.
"Hmmmm?" Tanong ni tita.
YOU ARE READING
Thrown In Heaven
Rastgele"Pwede ko namang sabihing "I love you" but words are bland. I will just show it you with this kiss and...." - A teenager who just want to be alone discover himself in a better. He-Lyrus Angeles who used to be nerd in school, found himself together w...