Lyrus
Ilang minuto na rin kami dito sa loob at hinihintay ang iba sa pagdating. Nakaupo kami parehas sa sofa. Hinihintay ang mga isinama nito sa out of town.
"Ito na po ang juice niyo, sirs," sabi naman ng katulong nito.
Napatingin ako sa katulong. She's young, maybe as young as me. Inisip niya na rin agad ang pagtatrabaho kaysa tapusin ang kanyang pag-aaral.
"Thank you." Ani Benj. Umalis na sa harap namin ang babae.
"Ang bata pa no'n, ah?" Sabi ko nang tuluyan na itong pumasok sa isang silid na hindi ko alam kung ano.
"Anak kasi iyan nang pinakamatagal naming trabahante. Nag-aaral pa iyan at nandito lang kapag weekends." Sabi nito.
Napahinga ako ng maluwag. Mahirap kasing makahanap ng trabaho ang hindi pa masyadong nakakatapos ng pag-aaral kaya naaawa ako sa kanya. Pero nawala ang pag-aalala ko nang sabihin ni Benj na para lang itong part time job.
Bumuntong hininga na lang ako. Habang naghihintay sa iba pa naming mga kasama, ay s'yang pagbaba ng lola nito. Nilingon ko ito mula ulo hanggang paa. Inaalalayan ito ng isang katulong.
Sinipat ko ulit ng tingin ang mukha ng matanda. She's really look great. Masasabi kong nasa mayamang angkan pa rin ito noong mga panahon pa niya.
"Apo....." wika ng matanda nang makababa ito ng hagdan. Agad na humaripas si Benj ng takbo upang magmano dito at tulungang alalayan ang matanda papunta dito sa salas.
Nang makaupo ay nilingon ako ng matanda. "Sino itong kasama mo?" Mahinahon na tanong nito.
Ngumiti ako dito at pumunta sa kanya. Lumuhod ako at iginiya ko ang kamay ko upang magmano sa kanya. Hindi naman nito tinanggihan ang alok ko. Pagkaharap ko sa kanya ay ngumiti ito ng pagkalapad lapad. "Hmmm, mabait na bata." Wika pa nito.
Tumayo ako sa harap nito. Saka nagsabing "magandang araw po," bago ako yumuko at bumalik sa kinauupuan ko na kaharap lamang nito.
"Magandang araw din sa'yo, hijo," wika naman ng matanda.
"S'ya po pala si Lyrus, lola. Isa sa mga tropa ko." Sabi ni Benj. Tinanguan ko naman ito upang ipaalam na tama ang tinuran ng kanyang apo.
"Gano'n ba? Kayo lang bang dalawa?" Tanong pa ng matanda.
"Lola Lollita, may mga kasama pa po kami." Sagot ni Benj.
"Nasa'n naman ang iba niyo pang mga kasama?" Tanong ulit ng matanda.
"Baka natraffic lang po." Nakangiting sagot ni Benj. It's pure, and he's more handsome when he use to smile like that.
Hindi na ako nagsalita pa at pinanood ko lang sila habang nag-uusap tungkol sa mga buhay buhay nila sa kani-kanilang tinitirhan.
Habang matamang nakikinig ay biglang nagring ang aking phone. I looked at them and they stopped talking. The next thing I did is I looked at my phone and spotted who was my caller. It's dad. I'm hesistating if I'm going to answer it or left it ringing until it ends. I'm still curious if they treat me like they child. Saka lamang naman kasi sila tatawag kapag mangangamusta o mang-iimbita sa kani-kanilang event.
I'm still looking at my phone when Benj spoke up.
"Hindi mo ba sasagutin ang tawag na iyan?" Tanong nito.
I looked at Benj and his grandma. They're looking at me like reading if I have a problem with my caller. Minuwestra ko na lang ang phone ko upang ipaalam na sasagutin ko ang tawag.
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at agad akong lumabas. Nang nasa labas na ay biglang tumigil ang pagring. I heave a sigh. And I gasped when my phone rang again. I looked at it.
YOU ARE READING
Thrown In Heaven
De Todo"Pwede ko namang sabihing "I love you" but words are bland. I will just show it you with this kiss and...." - A teenager who just want to be alone discover himself in a better. He-Lyrus Angeles who used to be nerd in school, found himself together w...