Madaling madali akong kumilos dahil ang balak kong alas singko na bangon ay naging ala sais y media. Napuyak ako sa walang tigil na dating ng mga bisita nila Kuya Rene at Eddie na nagpupumilit na makilala kaming tatlong magkakapatid.
"Hindi naman aalis ang studio. Huwag kang magmadali," natatawang wika ni Tiyo Jose habang nakatutok ako sa bentilador at nagpapatuyo ng buhok. Masama ang tingin ni Tiya dahil kay agang nakabukas ng bentilador.
"Saang studio ka ba pupunta?" tanong ni Kuya Rene.
"Sa Isidro Studio," sagot ni Ate Minyang na sinusuklay na ang buhok ko.
--------
MAARING MABASA NAG BUONG KWENTO SA NOBELISTA.COM
BINABASA MO ANG
The Portrait
Historical FictionIsang pagmamahalan na paglalayuin ng kapalaran. Si Flaviana "Biana" Bautista ay ang mukha sa likod ng mga paketa ng tabako at sigarilyo. Ang mukha niya ang naging batayan ng kagandahan sa buong Pampanga. Ang sabi nga sa kanilang bayan ay higit pa s...