"Ang kulit kasi–" Kulang na lamang ay magmaktol ako. Nahuli pa ni Juaning ang kasinungalingan ko. Nakakahiya!
"Nauunawaan ko. Saan ang inyong tungo?"
"Diyan lang. Bakit ka nga pala narito? Hindi ba at kumakain ka pa?" tanong ni Ate.
"Hindi masarap ang pagkain." Nagtawanan kami nang mapatakip ng bibig si Juaning.
"Maselan pala ito sa pagkain," biro ni Ditse. Nagsimula na kaming maglakad at si Juaning ay umagapay sa amin. Katabi ko siya habang si Ditse naman ay nasa kabilang panig ko at katabi niya si Ate.
---------
MAARING MABASA ANG BUONG KWENTO SA NOBELISTA.COM
BINABASA MO ANG
The Portrait
Historical FictionIsang pagmamahalan na paglalayuin ng kapalaran. Si Flaviana "Biana" Bautista ay ang mukha sa likod ng mga paketa ng tabako at sigarilyo. Ang mukha niya ang naging batayan ng kagandahan sa buong Pampanga. Ang sabi nga sa kanilang bayan ay higit pa s...