Labis na nanuyo ang aking lalamunan ng kanyang ilagay bulaklak sa aking tainga. Naging magaan na ang mga sumunod na mga sandali. Mas naging madali para sa akin ang ngumiti ngayon at kung minsan ay natatawa ako sa mga sinasabi ni Ditse at Ate. Ang kwento ni Juaning ay bago lamang ang camera na ginamit niya sa akin. Bagong bili lamang niya dahil ayaw niyang gamitin ang camera ng kanyang ama.
Isang beses pa akong nagpalit ng damit. Isang makabagong terno ang huling ipinasuot sa akin ni Ate.
"Suot agad ang damit pangkaarawan," biro ni Ditse na ikinatawa rin ni Juanito.
"Umupo ka lamang ulit, magandang binibini," wika ni Juaning na labis kong ikinahiya. Naririnig ko na ang tuksuhan mamaya hindi pa man nasasalita ang dalawa kong kapatid.
------------
MAARING MABASA ANG BUONG KWENTO SA NOBELISTA.COM
BINABASA MO ANG
The Portrait
Historical FictionIsang pagmamahalan na paglalayuin ng kapalaran. Si Flaviana "Biana" Bautista ay ang mukha sa likod ng mga paketa ng tabako at sigarilyo. Ang mukha niya ang naging batayan ng kagandahan sa buong Pampanga. Ang sabi nga sa kanilang bayan ay higit pa s...