Kinaumagahan ay maaga kaming ginising ni nanay para makapag almusal.
Aniya ay upang hindi kami abutin ng mahabang pila, mas maigi ng maaga kaysa mabilad kami sa arawan o kung mamalasin pa ay mabasa kami ng ulan.
Pagkatapos naming makapaghanda at mapake lahat ng requirements para sa pageenroll ay pinuntahan namin ang bahay nung kaibigan ni nanay upang makapagtanong kung nasaan ang eksaktong lokasyon nung paaralan na binaggit niya samin kahapon,
"Tessa...Tao po! Ako to si Lorna!" tawag ni nanay sa labas ng bakuran ng kaibigan niyang Tessa pala ang ngalan...
'Ngayon ko lang nalaman'
Ngali ngali namang lumabas si Aling Tessa't pinagbuksan kami ng maliit na gawa sa kawayang bakod nila,
"Bakit Lorna? May problema ba?!" tanong niya ng may kinakabahang ekspresyon sa mukha.
Akala niya yata ay may nangyaring hindi maganda samin. Nagmamadali kasi siya.
"Ah...naku wala namang problema." agarang sambit ni nanay.
"Gusto ko lang sanang tanungin ulit sayo kung saan nga ba iyong tinutukoy mong pampublikong paaralan malapit dito... I eenroll ko na kasi ang mga bata ngayon para hindi kami magkaundagaga kung kailan malapit na ang pasukan." pagpapatuloy nito.
"Pasensya ka na't pinag alala ka pa namin" bakas sa tono ni nanay ang pagkahiya, siguro'y naisip nyang naabala namin si Aling Tessa.
" Ah yun lang pala! Akala ko naman ay kung ano ng nangyare. Di bale ayos lang yun, tamang tama nga ang dating niyo't ieenroll ko din si Kent ngayon, yung panganay ko!" sabi nya't luminga linga sa paligid na animo'y may hinahanap, marahil ay iyong Kent na binanggit nya kanina. Ilang taon na kaya yun?
Siguro'y kasing tanda lang ito ni letlet dahil mukhang malikot at pagala gala siya sa paligid kaya hindi mahagilap kaagad ng nanay niya,
'Mga bata nga naman oh'
Sinuyod ko ang buong paligid sa palibot namin sa pagbabakasakaling mahanap ko ang malikot na batang iyon.
Likas na nga talaga sigurong malilikot ang mga bata sa panahon ngayon, saan naman kaya nagsuot yung isang yun?!
Maya maya'y biglang lumiwanag ang mukha ni Aling Tessa kaya't palagay ko ay nahanap na nya ito,
'Sa wakas'
Nakatingin sya sa likod ko kaya't humarap ako't tumingin sa may ibaba sa pagaakalang may totoy na bubungad sa akin... ngunit mali yata ako.
Pagkat isang pares ng medyo may kalakihang kulay itim na sapatos ang una kong nakita. Mas malaki pa nga ito kaysa sa akin.
'Ano kayang size niya?'
Nakapantalon itong kulay itim na bumagay sa kanyang mahahabang binti. Naka kulay itim din itong jacket na may simpleng kulay itim na t shirt sa loob.
'Ano bang trip nito? May patay ba?'
Tama lamang ang tikas ng kanyang katawan. Yun bang hindi masyadong batak pero hindi rin naman mukhang kinulang sa ehersisyo. Sakto lang.
Maganda ang pagkakahulma ng kanyang mukhang parang nililok ng isang propesyonal ngunit napansin kong may kaunti siyang sugat sa gilid ng kanyang labi.
'Basagulero yata to'
Lumipat naman ang aking paningin sa kanyang hindi gaanong mapupulang labi. Napansin kong hindi ito nakangiti man lang bagkus ay tuwid na tuwid na magkalapat lamang ang mga ito. Matangos ang kanyang ilong at ang mga mata n-
YOU ARE READING
Who Are You?
Teen FictionBilang isang babaeng lumaking maraming pangarap sa buhay, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Napakalaking bagay na matupad ang isang pangarap na matagal na niyang inaasam, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon...