Wala na kaming klase ngayong hapon. Ang sabi ay ganun daw talaga kapag unang araw ng pasukan dito sa Alistair.
Labing limang minuto na yata kaming nakaupo dito sa canteen ngunit magmula kanina hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang apat na pares ng mga matang nakatitig sa amin nitong lalaking kaharap ko ngayon.
Prenteng prente lamang siyang nakaupo na tila para bang wala siyang pakialam sa paligid niya.
Magka krus ang dalawang braso sa kanyang dibdib at nakapikit habang may nakasaksak na headset sa magkabilang tenga nito. Halatang ayaw paistorbo.
"So, magkakilala nga kayo?" tanong nung isa sa mga lalaking kasama ng lalaking to kanina sa kaniya
Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ako saglit bago siya bumaling sa kaibigan niyang nagtanong,
"Nabangga niya lang ako nung nakaraang araw...tapos ang usapan." walang gana niyang paliwanag dito.
Anong nabangga ko siya?
Baka siya ang bumangga saken!
"Teka teka. Gusto ko lang sanang ipaalam sayo na muntik mo na akong masagasaan... sa labas ng gate nung araw ding yon! Baka lang nakakalimutan mo." pagpapa alala ko sakanya pagkat mukhang nabagok yata ang ulo niya't hindi matandaan ang isa pang pangyayaring naganap sa pagitan namin. Buhay ko ang nanganib ung araw na yun kaya hindi ko 'to palalampasin.
Kaagad siyang lumingon sa akin ng marinig niya ang sinabi ko. Bakas sa kanyang mukha na pilit niyang pinapakitang wala siyang ka alam alam sa nangyare. Hindi ako naniniwala dun.Nagkukunwari lamang siyang walang alam. Ano siya? Sineswerte?
"A-nong m-untik ng m-asagasaan?! Eh nung nabangga mo ako saka ko pa lang nagamit yung kotse ko." tanggi pa nito "I think you're mistaken miss" palusot niya pa kahit halatang halata sa naman kanyang boses na hindi siya nagsasabi ng totoo. Sinungaling.
Hindi siya makatingin ng maayos sa akin at kaylikot ng kanyang mga matang nag lalakbay sa buong paligid nitong canteen... na parang ngayon lamang siya nakatapak sa loob nito.
"Naku! We know you Jack! Just admit it dude...na this time you're the one who's wrong!" medyo natatawang sambit naman nung isa pa nilang kasamang lalaki
Kahanga hangang kaibigan niya pa ang maglalaglag sa kaniya, akala ko'y pagtatakpan pa nila ito mula sa akin
'Mababait naman pala sila'
"Oo nga naman J, you're so grabe naman muntik mo na siyang mabundol no! She's our friend say sorry to her!" pag sermon naman ni Gail sakanya
Hindi ko malaman kung sermon na ba ang kanyang sinambit pagkat mahinhin talaga ang kanyang pagkakasabi nito, kailangan ko na sigurong masanay sa ganitong pagsasalita niyang mala anghel.
Bumalik ang aking paningin sa harapan, Jack pala ang pangalan mo ha.
Napansin kong biglang umamo ang kanyang mukha nang marinig niya si Gail. Sa itsura nya ngayon ay parang handa talaga siyang humingi ng paumanhin sa akin dahil hindi niya kayang humindi rito.
Hindi niya maalis ang tingin kay Gail, samantalang narinig ko namang bumubungisngis na ngayon ang apat habang nakatingin sa dalawa. Tila parang walang tao sa kanilang paligid kung ituring ni Jack dahil sa paraan niya ng pagtitig dito. Nangingiti ngiti pa siya.
'Parang baliw'
Hindi pa man ako nakapagtatanong sa kanila kung ano mayroon ay may hula na ako sa kung ano ito. Dahil sa nasaksihan ko pa lamang at sa kawalan ng hiya ni Jack na umasta ng ganon sa harap namin sa palagay ko ay alam ko na kung ano ito.
YOU ARE READING
Who Are You?
Teen FictionBilang isang babaeng lumaking maraming pangarap sa buhay, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Napakalaking bagay na matupad ang isang pangarap na matagal na niyang inaasam, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon...